Nov 22
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Sa balikang Hayden-Vicki Belo: I'm happy for them -- Katrina

Author: Nitz Miralles
Column: Basta

Natutuwa si Gary Valenciano na gagawaran ni President Gloria Macapagal-Arroyo ng Presidential Medal of Merit si Francis Magalona dahil sa malaki nitong contribution sa musikang Pilipino at pagiging makabayan ng singer.

Deserving daw si Francis sa medal at nagulat ito sa nalamang member ito ng Camera Club, kung saan member din ang ama niya.

Sa mga kanta ni Francis, ang Man From Manila, Mga Kababayan Ko at Kaleidoscope World ang favorite songs ni Gary. Hindi pa nito alam kung ano ang magiging partisipasyon niya kung tatanggapin ang offer ni Ely Buendia na silang dalawa ang magtapos sa The Sickos album na collaboration nina Ely at Francis.

Hindi pa alam ni Gary kung gagawa ba siya ng song at magiging part ng isang project na magiging tribute kay Francis o siya ang tatapos sa nasimulang album ng dalawa.

Kailangan pa nilang mag-usap ni Ely, pero excited na si Gary na makipag-collaborate kay Ely. Susulat din siya ng song para kay Francis. "But I really have to gather my thoughts at dapat ang song, not so much the feeling of loss but the feeling of gain," sabi ni Gary.

* * *

Still on Gary Valenciano, nalaman namin kay Angeli Valenciano na bumili ito ng top-of-the-line computer para gamitin sa pag-i-edit sa Gary V Live @ 25 concert na ipalalabas sa Sunday's Best time slot ng ABS-CBN sa Sunday, March 15.

Nanghihinayang si Gary na hindi buong concert ang maipalalabas dahil sa oras. May numbers at spiels siyang inalis.

Nalula kami sa presyo ng computer, pero sabi ni Gary interview sa Red Box Trinoma, dapat maganda ang ma- panood ng mga hindi nakapunta sa Araneta Coliseum. Magre-release rin ang Universal Records ng DVD copy at bumili agad dahil 3,000 copies lang ang ire-release.

Nakakalungkot, pero last big concert na ni Gary ang Live at 25 at sa smaller venues na lang siya magsu-show, pero tuloy ang paggawa niya ng musika.

Ang kapalit noon, may time na siyang gumawa ng pelikula at may offer na sa kanya. Hindi siya nani-niwalang walang papalit sa kanya being a total performer dahil maraming mas bata at mas magagaling na lalabas.

Matagal nang tapos ang concert, pero 'di namin napilit si Gary na sabihin kung magkano ang production cost ng Live at 25 at "several millions" lang ang sagot nito at ang maganda lang, nabawi nila ang nagastang malaking pera sa very successful concert.

* * *

Ayaw nang pag-usapan ni Katrina Halili sina Dra. Vicki Belo at Dr. Hayden Kho at one-liner na "I'm happy for them" ang comment sa tsikang nagkabalikan ang dalawa. Nakiusap itong tapusin na ang isyung kinasangkutan para wala nang intriga.

Hindi naniwala si Katrina na binitiwan siya ng GMA-7 after the Hayen Kho controversy dahil binigyan siya ng Dear Friend at sa March 15 na ang pilot ng Karibal episode na kinunan sa Dakak Resort.

Showing na rin sa Mar. 18 ang Sundo, ang first movie niya sa GMA Films na bida si Robin Padilla at sa direksyon ni Topel Lee.

Ang alam niya, itutuloy ng OctoArts Films ang remake ng Miss X, pero inaayos pa ang script. Habang walang ibang project, busy siya sa pag-aayos sa nabiling townhouse sa New Manila, Quezon City at sa pag-iipon ng gamit sa pagpapapayat at plano yatang magtayo ng spa.

kung pumayag si Sunshine Dizon, type niyang maging P. A. nito sa taping ng All About Eve sa Singapore. Naging close friends sila sa shooting ng Sundo at thankful na idinedepensa siya nito sa mga naninira sa kanya. Pati mothers nila'y naging close rin minsan at silang apat ang magkakasamang luma-labas.

"Ate ang tawag ko kay Shine at feeling ko, nakahanap ako ng extended family sa kanila ng mom niya. Tinutulungan niya ako at pinakikialaman lahat, pati pananamit ko," sabi nito.

Puring-puri rin ni Katrina sina Robin at Direk Topel. Ang ganda raw ng ginawa ng director sa ending ng story, nakakagulat at nakakatakot ang twist, kaya panoorin ang premiere night sa Mar. 17, bago ang regular showing sa Mar. 18.

* * *

Sa day 4 ng All About Eve, kina Frederico (Richard Gomez) na tumira ang batang si Erika, pero nahanap siya ni Mando (Ian de Leon) at kukunin ang bata. Pahihirapan ni Mando ang bata na kung anu-anong trabaho ang papasukan para makapag-aral.

Bago magtapos ang episode this Thursday, ipapakitang malaki na si Erika (Sunshine Dizon) at nag-graduate na summa cum laude sa Broadcasting.

* * *

Sa Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang, mababalitang patay na si Rado (Paolo Contis) kaya kailangang sundin ni Wangko (Jack Rodrigo) ang utos nitong ligpitin ang pamilya ni Proserfina (Marian Rivera).

Maghihirap naman si Heleen (Angelu de Leon) sa rami ng loans na hindi mabayaran. Hahanapin niya si Homer (Dingdong Dantes) para humingi ng tulong.

Source: People's Tonight