|
|
| Sa hiwalayan ang hantongColumn: Sanga-sangandila Habang sinusubok pa ni Rufa Mae Quinto kung saan hahantong ang relasyon nila ng bago niyang manliligaw na sa abroad naka-base habang siya naman ay naririto sa Pilipinas, heto at tuluyan na raw naghiwalay ang mag-asawang Sheryl Cruz na nag-resume ng kanyang acting career sa Pilipinas habang ang kanyang asawang si Norman Bustos ay hindi maiwan-iwan ang kanyang trabaho sa Amerika. Mahirap talaga ang long distance relationships. Sa umpisa, hindi mo masyadong mararamdaman ang lungkot pero, habang nagtatagal, mami-miss mo na ang iyong mahal hanggang sa mamanhid ka at mawalan ng pakiramdam. Hanggang masanay ka nang hindi mo na siya nakikita. Bagaman at totoo ang kasabihang 'absence makes the heart grow fonder,' hindi mapapasubalian na 'absence also makes the heart forget. ' Kapag madalas mong hindi makita ang isang bagay o tao, makakalimutan mo siya. Ito siguro ang nangyari sa mag-asawang Sheryl at Norman, kahit paminsan-minsan ay dumadalaw dito si mister at ganundin si misis, dumating ang panahon na marahil ay nakasanayan na nilang hindi nakikita ang isa't isa, kaya naghiwalay na lang sila. * * * Sinabi ni Luis Manzano na wala siyang magagawa kapag nagdesisyon ang ABS-CBN na papasukin din siya sa bahay ni Kuya katulad nang ginawa nito sa tatlong babaeng host ng Pinoy Big Brother na sina Toni Gonzaga, Bianca Gonzales at Mariel Rodriguez. "Pero siguro hihilingin ko muna sa kanila na Naniniwala rin si Luis na mabibigyan niya ng class ang nasabing palabas at ito ay walang halong pagyayabang na sinabi niya sa media. * * * Lalong tumitindi ang tambalan nina Kim Chiu at Gerald Anderson! Sa unang bahagi ng 2008, dalawang proyekto na agad ang nakalinya para sa kanila. Isa na rito ang horror series na Maligno sa ABS-CBN. Ilang araw na lang at magsisimula na ng panibagong yugto ang Pinoy Big Brother Teen Edition. May mga bagong mukha na namang aabangan at pasisikatin ng Dos. Pero hindi naman nababahala rito ang pinakamalaking produkto ng unang season na sina Kim at Gerald. Kamakailan lang, ikinatuwa nila ng husto ang pagkakapili sa kanila para gawin ang Pinoy version ng hit Koreanovelang My Girl, na ire-remake ng Dos. "Wala talaga, as in wala akong idea at all. Pinagdasal ko lang talaga na Pero bago pa man nila simulan ang My Girl, mapapanood muna sila sa ikalawang pagtatanghal ng Sineserye Presents: The Susan Roces Cinema Collection, ang horror series na Maligno, kasama si Claudine Barretto at Diether Ocampo. Halong kaba at saya ang nararamdaman ni Kim sa paggawa ng proyektong ito, dahil makakasama niya sa eksena ang kanyang idolong si Claudine Barretto. "Idol ko po talaga si Ms. Claudine, hanggang ngayon nga nai-starstruck pa rin ako sa kanya. Kapag kinakausap niya ako, hindi ako makasagot. Pero dream come true po na makasama ko siya sa isang show," pahayag ng dalaga. * * * E-mail: veronicasamio@yahoo. com Source: The Philippine Star |