|
|
| Sa paglisan ni DaboyAuthor: Ed Serrano Sabado ng umaga, June 7, ang pinangangambahan ng buong entertainment industry ay dumating nang ang action star na si Rudy Fernandez ay pumanaw, pasado alas-sais ng umaga, makalipas ang halos ay dalawang taong pakikibaka sa sakit na cancer. Bandang hapon nang araw ding iyon, nakita sa kanyang burol sa Heritage Park, sa tabi ng Libingan ng mga Bayani, ang kanyang maybahay na si Lorna Tolentino at mga anak na sina Mark Anthony, Renz at Ralph. Dito nakitaan ng katatagan ang pamilya na pilit na nilalabanan ang sakit ng kalooban sa pagkawala ng kanilang pinakamamahal sa buhay. Naroon din si Alma Moreno, Amy Austria at mga matalik na kaibigan na sina Sens. Jinggoy Estrada at Bong Revilla; ang pinsang si Phillip Salvador; ang kanyang kapatid na si Merle Fernandez; ang manager na si Lolit Solis, Butch Francisco, at staff ng Startalk, na nagbigay ng mahabang coverage para sa GMA-7; si Luis Manzano para sa Channel 2, gayundin ang marami pang iba na nakiramay. Bagaman hindi tayo kilala ng pamilyang Fernandez, masakit din dahil tayo man ay naghangad na makatulong kung mamarapatin, noong malakas pa siya. Nagdusa rin kasi nang matindi ang ating pamilya nang dapuan ng cancer ang ating unang maybahay noong 1991. Sa America rin siya nagpagamot subalit isang taon lang at nang bumalik sa Pilipinas noong 1992, sandali lang ay binawian na siya ng buhay. Huli na nang malaman natin na wala sa lugar ng mayayaman ang makaga-galing sa cancer. Dito pala sa Pilipinas, kung paniniwalaan lang natin ang mga Pilipinong scientist-researcher, malalaman nating mas mahu-say pala rito kaysa sa mga mamahaling equipment at chemotherapy ng America -- dahil natural ang mga pinanggagalingan at hindi mga sangkap ng laboratoryo. Nakaiinis kasi na nakakaririnig ka sa iba na: "Okay lang magkasakit ng cancer ang tao kasi pangmayaman at 'class' pa ang dating. " Buhay ng tao iyan deng, hindi mo puwedeng daanin sa biro, at lalong 'di mo makukuha sa pera-pera lang. Sa totoo lang, mas marami akong nai-cover na cancer survivors na mahihirap lang, kaysa sa mayayaman na sa America pa nagpagamot -- na pag-katapos magamot, matapos gumastos nang napakalaki, panalangin na para sa isang himala naman ang kasunod. Anyway, anuman ang sanhi ng kamatayan, sa ating isipan, ay dahilan na lang dahil oras na at kai-langan nang sumakabilang-buhay ang tao. Sabi nga ni Direk Rudy Meyer: "Weather-weather lang iyan. Kung oras mo na, oras mo na. Una-una lang, at kung finished contract na, kailangan go home ka na. " Naalala ko tuloy ang New Year prediction ni Jojo Acuin na sa taong ito, isang action star ang papanaw - at natupad iyon sa katauhan ni Rudy "Daboy" Fernandez, 56. * * * Ngayon, as is, buhat sa isang email sender, si Gloria Gaspar (gloria. gaspar@ccbp. com. ph) Hello, Mr. Serrano! "I'm not a fan of Rhian but i think it's unfair for others to put her down just because she's a relative of Ida Henares. "When i first saw her in Captain Barbell, okay si-yang umarte for a beginner. In fact, i find her a natural actress. I also read that Joey Reyes liked her acting in Monster Mom and even called her a 'gem'. Siguro naman it's not her fault na kamag-anak siya ni Ida. Sana people would look beyond her affiliation with Ida and acknowledge her as an actress. "I think 'yung mga naninira sa kanya are fans of other actresses na nauungusan na niya in terms of popularity. Source: Taliba |