Nov 24
HomeLoginBrowseNewsTV ScheduleStatisticsPreferenceHelpMessage Board

Sa sobrang inom ng alak, singer nangulit sa concert

May nagkuwento sa akin na napasobra ang pag-inom ng alak ng isang babaeng mang-aawit kaya kung anik-anik ang kanyang sinabi sa concert niya.Ninerbyos daw ang singer kaya may-I-drink siya ng alak para mag-goodbye ang kaba na nararam­daman.Eh napasob...

 

Sa sobrang inom ng alak, singer nangulit sa concert

Column: Take It! Take It!
Author: Lolit Solis

May nagkuwento sa akin na napasobra ang pag-inom ng alak ng isang babaeng mang-aawit kaya kung anik-anik ang kanyang sinabi sa concert niya.

Ninerbyos daw ang singer kaya may-I-drink siya ng alak para mag-goodbye ang kaba na nararam­daman.

Eh napasobra ang pag-inom niya ng alak. Ang end­­ing, tipsy siya mula umpisa hanggang sa kata­pusan ng concert kaya naloka ang audience sa kanyang drama.

Sumobra raw ang kakulitan ng singer  na naging dahilan para mairita ang mga kasama niya sa show.

* * *

True ang sinabi ni Kris Aquino sa interbyu sa kanya ni John Lapus sa  Showbiz Central na ma­ayos ang lagay ng kanyang madir, si former President Cory Aquino.

Alam ng buong mundo na may colon cancer si Mama Cory pero mukhang healthy siya nang mapa­nood ko sa Showbiz Central noong Linggo.

Hindi ininterbyu ni John si Mama Cory na nakunan ng kamera habang nakikipagtsikahan portion sa kanyang pamilya.

Marami ang nagmamahal kay Mama Cory. Marami ang nagdarasal para gumaling ang kanyang sakit at ang sey ni Kris, effective ang prayers mula sa mga nagmamalasakit sa  nanay niya. Ipagpatuloy natin ang pagdarasal para kay Mama Cory.

* * *

May-I-go home na nga sina Rudy Fernandez at Lorna Tolentino  sa kanilang home sweet home noong Linggo.

Inayos ang den nila para ito ang maging silid-pahingahan ni Daboy. Pamilyar na pamilyar ako sa den nina LT at Rudy dahil dito ako nagbababad kapag pumupunta ako sa bahay nila.

Naka-display sa den ang sangkatutak na acting awards nina LT at Daboy, pati na ang mga poster ng kanilang mga pelikula.

May home theater at sariling banyo ang den kaya ito na rin ang receiving room nila. 

Mahilig mag-ayos ng bahay si LT. Ang bahay nila ang tipo na tatamarin ka na lumabas kapag pumasok ka dahil napakaaliwalas nito.

* * *

Nag-offer sa akin si Mother Lily ng birthday lunch nang magkita kami sa ospital noong Huwebes pero nagbago ang kanyang isip dahil may sakit nga si Rudy.

Bagets na bagets ang itsura ni Mother dahil kararating lamang niya mula sa pagbabakasyon sa Alaska.

Mukhang nakapahinga nang husto si Mother at ebidensya ang kanyang rosy cheeks.

Isa si Mother Lily sa mga movie producer na mahal ko at iginagalang ko dahil napakabait niya.

Naiintindihan niya ang mga kagagahan ko at tanggap niya ang pagiging luka-luka ko.

Never kong malilimutan si Mother Lily dahil siya ang dahilan kaya nakapunta ako sa ibang bansa. Si Mother Lily ang unang-unang nagdala at nag-treat sa akin sa Hong Kong.

To the rescue si Mother sa akin kapag may  ginawa akong kagagahan. Nanay na nanay talaga si Mother Lily kaya tama lang na tawagin siya na Mother sa buong showbiz.

* * *

Si Mother Lily na lang ang active sa pagpo-produce ng pelikula. Madalas na sabihin ni Mother na titigil na ito sa paggawa ng mga pelikula pero hanggang salita lang siya.

Mahal na mahal ni Mother ang movie industry kaya itsurang nagrereklamo siya na mahina ang mga pelikula, tuluy-tuloy siya sa pagpo-produce. Hindi ko na nga sineseryoso si Mother kapag sinasabi nito na ayaw na niyang mag-produce dahil never niyang maaatim na iwanan ang movie-making at ang  showbiz.

Source: The Philippine Star