Feb 10
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Sakit nina Lorna at Zsa Zsa minana ni Alyssa Alano!

Sakit nina Lorna at Zsa Zsa minana ni Alyssa Alano!

Author: Rey Pumaloy
Column: Oh, Laban Ka?!

SINASADYA na raw ni Yexel ang panliligaw sa mga babae sa showbiz dahil atat na atat na itong makilala rin sa showbiz?

Si Yexel ang ex-boyfriend ng Sex Bomb na si Rochelle Pangilinan, pati na ni Iwa Moto.

Mismong sa bibig ni Rochelle nanggagaling na ang isa sa mga dahilan kung bakit sila nagkahiwalay ni Yexel ay dahil sa hangad nito na pumasok sa showbiz.

Kuwento ni Rochelle, madalas siyang kulitin noon ni Yexel na ipasok siya nito sa Eat Bulaga at SOP ng GMA 7. Pero, sinasabi nga ni Rochelle kay Yexel noon na wala siyang kapangyarihan na magpasok ng sinoman sa mga naturang show.

Sabi pa ni Rochelle, may career din siya na dapat tutukan, kaya wala siyang panahon na mag-manage ng ibang artista.

Well, bakit ngayon lang sinasabi ni Rochelle ang tunay na pagkatao ni Yexel?

Sa ngayon, balitang dinidiskartehan ni Yexel ang isa sa mga miyembro ng EB Babes ng Eat Bulaga.

"Well, gusto talaga niyang mag-artista kaya siguro puro taga-showbiz ang nililigawan niya," say pa ni Rochelle.

Teka lang, baka naman masama pa rin ang loob niya kay Yexel dahil sa paghihiwalay nila noon?

"Hindi, no! Matagal na akong nakapag-move on. Atsaka, mas maganda ang lovelife ko ngayon!" buong ningning na sagot ni Rochelle.

Sa ngayon kasi, isang batambatang negosyante ang sabi-sabing boyfriend ni Rochelle.

Anyway, bukas ang kolum kong ito pare kay Yexel, kung sakali mang type niyang sagutin ang mga pahayag ni Rochelle.

***

Itinanggi ni Francine Prieto ang tsismis na nagmaldita siya sa isang resort sa Boracay noong mag-taping sila ng Bubble Gang.

Nilinaw ni Francine na hindi siya nagmaldita noong nainitan siya sa loob ng kuwarto na tinutuluyan nila.

"Hindi naman ako nag-demand o nagsuplada. Nag-request lang ako na buksan ang air-con. Humiram lang ako ng electric fan dahil mainit habang pinapalamig �yung kuwarto," say lang ni Francine.

Hindi rin daw niya pinintasan ang mga pagkain na ihinain sa kanila sa naturang resort.

"Hindi ako namimintas. Kilala naman ako ng mga kasamahan ko, na kapag hindi ko type ang pagkain, nagpapabili ako ng sariling pagkain. Pero, wala silang maririnig na reklamo sa akin."

At lalo raw na hindi siya nag-demand na bigyan siya ng sariling kuwarto dahil ayaw niyang makasama ang ibang artista.

"Hindi talaga ako nag-demand! Kumuha ako ng kuwarto para sa mga kasama. Ako mismo ang nagbayad at hindi ko �yun pinasagot sa production."

"Eversince na pumasok ako sa showbiz, hindi ako na-involved sa mga ganyang tsismis. Kung anuman ang motibo ng mga taong nagkalat niyan, sana lang hindi siya galit sa akin dahil wala akong natatandaang nakakaaway ko!" sabi na lang ni Francine.

***

Maliban kay Lorna Tolentino, ang isa pang host ng Startalk na may Scoliosis ay si Alyssa Alano. Napansin ng isang production staff ng GMA 7 na hindi pantay ang likod ng aktres.

Mas nakaumbok nga raw ang kanang likod ni Alyssa.

Umamin naman si Alyssa na may Scoliosis nga siya at dalawang buwan pa lang daw niya itong nalalaman mula noong magpa-chek up siya ng likod.

Halos wala naman daw nararamdamang kakaiba si Alyssa noon. Noong nakaraang dalawang buwan lang siya nagpa-check up ng kanyang likod dahil nakaramdam siya ng sakit.

Positibo si Alyssa na magagamot pa ang likod niya sa pamamagitan ng therapy.

Natakot si Alyssa nu�ng malamang inoperahan at nilagyan ng bakal sa kanyang spine si Zsa Zsa Padilla. Ayaw raw niyang umabot sa ganun ang kanyang sakit sa likod, kaya ngayon pa lang ay nagpapa-therapy na siya.

Source: Abante