|
|
| Sam, Anne magdamag nagtukaan![]() Author: Vinia Vivar Si Direk Wenn Deramas na mismo ang nagsabi na mukhang nagkabalikan na nga sina Sam Milby at Anne Curtis at ito ay base na rin sa nasaksihan niya sa last two taping days nila ng Dyosa. "Nagsimula 'yan nang kunan namin ang death scene ni Sam sa bundok ng Tanay nu'ng Tuesday ng madaling-araw. Sobrang lamig. Hinintay namin ang sunrise kasi gusto ko ang paglabas ng araw. "So, dalawa lang si-lang artistang natira. Habang nagse-set-up, ma-dilim na madilim sa tuktok ng bundok. Sobra talagang lamig na parang triple na nasa New York na ng December. Kasi, hindi kaya ng blanket, hindi kaya ng kahit anong pang-ano namin. "Sobrang gentleman talaga ni Sam na ultimo legs ni Anne, binabalutan niya. Tapos, nakayakap siya all throughout the hintayan. Feeling ko, du'n pa lang nagkakabalikan na. " Kinabukasan, sa last taping day, nagpatuloy pa raw ang sweetness ng dalawa. "Thursday night, 'yun na. Lagi silang magkatabi, magkakuwentuhan. Then, kinanta nila 'yung ano, marami kasi silang nagkakantahan, eh, si DJ, si Mickey Ferriols. Nag-duet sila (Sam and Anne) and they kissed. "Wala nang masyadong tao nu'n, eh. Ako, nasa labas na ako kakuwentuhan ko si Vince de Jesus, 'yung musical director. Ang ganda kasi ng attendance namin, eh. Ang wala lang, si Luis (Manzano) na nagpa-Flash Bomba (taping) at si Zanjoe. Tapos, the rest, kumpleto na. " Feeling ba niya sina Anne at Sam na ulit? "Oo, naghalikan na, eh. They kissed the whole night," sabi pa ni direk Wenn. "Pero hindi ko rin alam, ha. Hindi ko kino-confirm," bawi pa ng direktor. Kung siya raw ang tatanungin ay gusto niya ang nangyari dahil alam niyang masaya si Anne. "Kasi, nakita ko rin naman kung paano 'yung hirap nun'g nag-split sila. " Napanood namin ang last episode ng Dyosa last Friday at feel na feel ng dalawa ang mga eksena nila kung saan ay mamamatay na si Sam at nagpapaalaman na sila. Bumalik na rin ang dating glow at ganda sa mukha ni Anne unlike noong nag-split sila na haggard siya at parang pasan ang daigdig. * * * Tinanong na rin namin kay Direk Wenn ang issue tungkol sa kontrobersyal na pagkakapanalo niya sa Pilipinas Game KNB? ni Edu Manzano last December kung saan, diumano ay tinulungan lang siya ng host para manalo. "Nang lumabas ang item na 'yun, tinanong ko agad si Tita Cory (Vidanes), ang bise-presidente, dahil siya lang ang makakapagbigay-linaw sa akin. "Sabi ko, Tita Cors, ano po ang tungkol sa amin ni Edu? Sabi niya, huwag mong pansinin 'yan, hindi 'yan totoo. Sabi ko, hindi naman po sa pagmamayabang, hindi po ito ang unang pagsali ko sa Game KNB at nananalo po ako. Pangalawa, hindi rin po sa pagyayabang ulit, pero kailangan ba akong turuan? "Aminado ako na du'n sa huling dalawang questions ay isang malaking hula. Tama, eh. Ang sa akin, ang sinasabi nila, ang kine-claim sa write-up, may special diin si Edu kapag tamang sagot. "Kunyari, totoo 'yun, kunyari. Fair pa rin kasi ilan kami, tatlo na makakarinig ng tamang sagot. 'Di ba? So, kahit sino, puwede. "Pangalawa, wala kaming contact ni Edu dahil nun'g dumating siya nu'n, kami ang nakasalang na. Inuna kaming in-introduce, wala pa si Edu nu'n, hindi pa dumadating . "So, nu'ng dumating si Edu, eto na kami, eh (nasa stage na). Every commercial break, lumalabas si Edu, babalik, take na agad. So, wala talagang chance. "Kaya ang tanong ko nga kay Tita Cory, how, paano niya ako mabibigyan ng tamang sagot?" pahayag ng box-office director. It could be recalled na pagkatapos ng nasabing episode ay napabalitang nag-resign si Edu bilang host because of the incident pero kaagad din namang nilinaw ng tatay ni Luis Manzano na hindi siya nag-resign kundi nag-expire ang kontrata't nakatakdang magkaroon ulit ng renewal. * * * Nalalapit na ang pagtatapos ng Your Song Presents My Only Hope nina Gerald Anderson at Kim Chiu na napapanood every Sunday kaya mas marami nang twists at rebelasyon na nangyayari. Sa pagpapatuloy ng kwento, desidido na nga talaga si Keeno (Gerald) na pumunta na lang muna ng Amerika. Tuluyan nang makukulong si August (David Chua) at malalaglag ang dinadalang bata ni Yang (Regine Angeles). Isang rebelasyon ang aaminin ni Jhun na siguradong ikagugulat ng marami. Abangan ang mga nasabing eksena ngayong Sunday, pagkatapos ng ASAP 09. Source: People's Tonight |