|
|
| Sam Concepcion, ka-level ng Asian superstar na si Rain!![]() Column: Sanga-sangandila Sa pagkakakuha ng United International Pictures (UIP) kay Sam Concepcion para kumanta ng theme song ng Kung Fu Panda dito sa Pilipinas, parang magka-level na rin sila ng Asian superstar na si Rain na siya namang aawit nito para sa promo ng pelikula sa Asya. Pwede rin namang si Rain na lamang ang kumanta ng theme song dito sa Pilipinas since kilala na rin naman siya rito having starred in some Koreanovelas and just recently, a shampoo commercial pero, kinuha pa rin si Sam ng UIP na siyang magri-release ng animated movie na Kung Fu Panda rito sa bansa ng movie na isang DreamWorks Animation SKG at Paramount Pictures, dahilan sa kahusayan at popularidad nito. Isang magandang oportunidad na rin ito para makilala si Sam sa labas ng bansa. Ang Kung Fu Panda ay istorya ng isang panda na mahilig sa kung fu at nangangarap maging isang master. Tampok ang mga boses nina Jack Black, Dustin Hoffman, Angelina Jolie, Ian Mcshane, Jackie Chan, Seth Rogan, Lucy Liu, David Cross, Randall Duk Kim, James Hong, Michael Clarke Duncan at Dan Fogler. * * * Nag-react ang mga manonood sa unang episode ng Your Song Presents: Without You na tinatampukan nina Joross Gamboa (Bobby), Victor Basa (John) at Alex Gonzaga (Jen) dahil kahit straight ay naipakita ni Joross ang tunay na reaksiyon at emosyon ng isang lalaking umiibig sa kapwa lalaki. Talagang dinama niya at nag-internalize ang kanyang first ever gay role. Mahusay na naipakita ng dalawang gwapong aktor na ito ang kakaibang on-screen chemistry ng kanilang mga roles na makatotohanang nagampanan. Mapangahas man kung ituring ang istorya, masasabing isang breakthrough ang Your Song dahil ito ang pinaka-unang kwento ng pag-iibigan ng dalawang lalaki sa isang mini series sa telebisyon. * * * Nakakaaliw talaga ang green-eyed English actor turned hunky Cover Boy na si Jon Avila, na gumaganap bilang Kapitan Boom, dahil mahilig pala siya sa pandesal! Tuwing magti-taping sila, humihingi si Jon ng pandesal na siya namang kinakain niya to the tune of (in his cute English accent). .. "Nnannay, ttattay, gustto kkong ttinnapayy. .. " Talagang nakakatuwang isipin na kahit foreign-looking ang ating bida ay 100% Pinoy at heart naman ito, pati na rin pala ang kanyang stomach. * * * Mga taxi drivers, nurses at security guards ang mga sumubok ng kanilang swerte sa GoBingo sa linggong ito. Sa araw na ito, isa sa tatlong vendors ang nakatakdang magkaro'n ng maraming pera. 'Di lamang naman swerte ang nagdi-decide sa kanyang kapalaran kundi ang lakas ng kanyang loob. Dapat alerto siya dahil hindi naman ganoon kahirap ang mga pinagtatatanong ni game master Arnell Ignacio. Dapat lamang ay mabilis ang kanyang daliri sa pagpindot ng button. Ang mga vendors ay sina Ferlita A. Tapenas, Ma. Rosario M. Lipata at Mary Ann Raguindin. Bukas, Biyernes, mga wedding singers naman ang maglalaro, sina Jeffrey M. Remoquillo, Leah R. Patricio at Alexander R. Arcilla. o0o Isa sa pinakamasayang member ng cast ng Magdusa Ka ng GMA 7 ay ang StarStruck Survivor na si Prince Stefan. Dati-rati raw ay nabibigyan nga siya ng role sa mga telenovelas pero sasandali lamang siya, agad namamatay ang kanyang character. Dito sa Magdusa Ka which stars Dennis Trillo, Katrina Halili, Iwa Motto, and many more, kapatid siya ni Dennis at sinabi niyang medyo mahaba-haba ang kanyang role. * * * Binalikan ni Anton Bernardo ang kanyang pag-aartista matapos ang mahaba-haba ring stint sa Japan na kung saan ay nagtrabaho siya bilang isang host. Huling pelikula niya ang Bedtime Stories na nagtampok kay Maricar de Mesa. Mina-manage siya ngayon ni direk Maryo J. delos Reyes at ito ang naglagay sa kanya sa mga programa ng Siete tulad ng Joaquin Bordado at Magdusa Ka. * * * Source: The Philippine Star |