|
|
| Sam, Maricar madalas mahuling magka-dateAuthor: Chan-Chan Torres NakaGUgulat ang pagkakadawit din ni Sam Milby sa hiwalayang Luis Manzano at Angel Locsin. Totoong close si Sam kay Angel dahil sa naging sama-han nila sa katatapos na te-leseryeng pinagsamahan ni-la, ang Only You, pero hindi basehan ito para ma-link na sila o lagyan na ng ma-lisya ang kung anumang closeness na namagitan sa kanila. Nabalitaan naming maging si Sam ay nagulat at sinabing nalulungkot din siya dahil pati siya'y nada-damay sa nasabing hiwalayan. Alam ni Sam na nagma-mahalan sina Luis at Angel. At hindi siya gagawa ng anumang ikasisira ng relas-yon ng dalawang taong nagmamahalan. Sa isang panayam, sinabi ni Sam na kung ano man ang pinagdaraanan ngayon nina Luis at Angel, umaasa si-yang maaayos din ang lahat sa pagitan ng dalawa. Kapansin-pansin kasi ang pagiging malapit at kumportable nina Angel at Sam sa isa't isa lalo na nu'ng patapos na ang Only You. Hayun, hindi tuloy naiwa-sang isipin ng ilan na may 'something special' na na-develop sa dalawa, lalo pa't walang girlfriend si Sam. Hindi naman si Sam ang tipo na papasok sa relas-yon na alam niyang may boyfriend pa ang babae, la-lo pa't kaibigan niya sina Angel at Luis. Eh, how true naman na may idini-date ngayon si Sam, sa katauhan ni Mari-car Reyes? Ayon pa sa ma-lapit sa aktor, may lihim na paghanga na si Sam sa kontrobersyal na baguhan no-ong una pa lang niyang makita ang mukha nito sa isang giant billboard sa tapat ng PBB house. Nagandahan na raw si Sam kay Maricar. Ang latest, nagdi-date na sina Sam at Maricar. Kung saan hahantong ang kanilang pagdi-date? Tanging tadhana lang ang nakaaalam. * * * DUMALO kami sa press preview ng launching movie ni Eugene Domingo, ang Kimmy Dora (Kambal sa Kiyeme) na showing sa Sept. 2 na ginanap sa Shangrila Mall Cineplex nu'ng Thursday ng gabi. Unang handog ito ng Spring Films na pinangu-ngunahan ni Piolo Pascual, Eric Raymundo, Shane Sarte at mismong si Direk Joyce Bernal. Ipinagmalaki ng mga producers ang pelikulang pi-nagbibidahan ni Uge. Hindi raw sila nagkamali sa pagbi-bigay ng break sa kinilalang sidekick ni Ai Ai delas Alas. Talagang ginawa raw nito ang lahat para sa ikagaganda ng proyekto. Kuwento ng kambal na mula sa mayamang Go Dong Hae clan sina Kimmy at Do-ra. Magkasundo sila nu'ng mga bata pa sila, pero nang lumalaki sila, nag-iba ang ugali nila kahit sabihin pang kambal sila. Naging sobrang matalino si Kimmy, to the point na parang obsessed na siya sa pagtatrabaho. Si Do-ra naman ay childlike. Malaki ang naging partisipasyon ni Dingdong Dan-tes sa pelikula. Siya ang lalaking gustong angkinin ni Kimmy, pero ang malapit sa puso ng binata ay si Dora. Nakaaaliw ang kuwento, at tila pinahirapan dito nang husto si Eugene, sa rami ng habulan, pagulung-gulong sa putikan, stunts at sapakan scenes na ginawa nila ng mga nagtangka sa buhay ni-ya bilang si Kimmy. Tulad ng sinabi ni Uge sa presscon ng Kimmy Dora, hindi niya akalain na susu-portahan siya nang bonggang-bongga ng mga kaibi-gan niya sa industriya. Gumanap ng cameo roles sina Vhong Navarro, Rufa Mae Quinto, Mark Bautista, Paolo Ballesteros, Paolo Contis, Gabby Eigenmann, Mar-vin Agustin, at marami pang iba. Teka, bakit 'di namin napansin si Ai Ai ro-on? Well, baka next time ay aapir na si Ai Ai. Source: Taliba |