Nov 22
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Sam Milby dahilan ng 'cold war' nina Toni at kasalukuyang boyfriend

Author: Beth Gelena
Column: E-talk

IBANG klase talaga ang cha-risma ng actor na si Robin Padilla pagdating sa kababa-ihan.

Ang TV host-actress na si Toni Gonzaga ay very vo-cal na kung mabibigyan ng pagkakataon ay ibig niyang makasama sa isang proyekto si Robin. Ayon pa sa host ng Pinoy Big Brother Double Plus, fulfilled na raw si-ya as an actress kapag nakapareha si Binoe. Maging si Bea Alonzo ay nagparamdam din na ibig niyang makapareha ang bad boy ng Phi-lippine movies.

May gagawing pelikula sa Star Cinema si Robin. Hindi pa alam kung sino ang makakapareha niya. Nang ma-interview ang actor sa SNN (Showbiz News Nga-yon), sinabi nitong flattered siya dahil hindi niya akalaing marami pa ring young actresses ang gustong maka-sama siya sa pelikula.

"Ibig ko ring makasama sa proyekto sina Toni at Bea. Marami na akong na-ririnig na magagandang compliment about them. Sana ay magkatrabaho na kami soon," ani Robin.

* * *

SPEAKING of Toni (Gon-zaga). Hindi raw totoong pinagseselosan ng kanyang di-rector-boyfriend na si Paul Soriano ang Fil-Am actor na si Sam Milby na naging dahilan ng kanilang 'cold war' nowadays.

Dating nali-link si Sam kay Toni sa ilang movies na kanilang pinagsamahan. Ngayon, balik-tambalan ang dalawa sa pelikulang Ang Tanging Pamilya kasama sina Ai Ai delas Alas, for-mer President Joseph Estrada ang ina ng People's Champ Manny Pacquiao na si Mommy Dionisia.

Dahil sa muling pagsa-sama sa movie ay iniintriga na naman ngayon ang dalawa. Ayon kay Toni, napa-ka-supportive pa nga raw ng kanyang boyfriend sa tambalan nila ni Sam. Noon pa raw kasi'y bilib na si Di-rek Paul sa chemistry ng To-ni-Sam onscreen. Wala raw dapat ika-insecure si Paul, at alam ni Toni na malaki ang tiwala ng BF sa kanya.

"We always talk. I'm pretty secure with our relationship. I respect her job, and that's part of it," ayon ka Direk Paul sa SNN.

* * *

IBIG ni Rica Peralejo na ma-ka-attend sa kanyang beach wedding si Piolo Pascual sa January next year.

Ayon sa actress, wala naman daw kasi silang masamang pinagsamahan ng aktor na nali-link sa kanya no-on.

"Piolo is one of the people responsible for getting me into a church. I would really love for him to be there, to witness what God has done for me," ani Rica sa isang interbyu.

Isa si Rica sa pinakamalalapit na kaibigan ni Pio-lo. Kaya naman ipinagda-rasal ng host ng Umagang Kay Ganda na sana'y ma-katagpo ng right girl si Piolo.

* * *

MULING nag-renew ng kontrata ang talent ng Star Magic na si John Lloyd sa ABS-CBN. Nakasaad dito ang paggawa niya ng dalawang teleserye sa Kapamil-ya.

Tuwa si Lloydie dahil na-miss na niya ang paggawa ng teleserye, pero mas mauuna raw niyang gagawin ay peli-kula para sa Star Cinema na pagbabalik-tambalan nila ni Bea Alonzo.

"After ng movie namin ni Bea ay sisimulan na na-min ni Angel (Locsin) ang te-leserye. Excited na nga akong makatrabaho siya (Angel), eh," wika ni John Lloyd.

Sabagay, noon pa mang lumipat si Angel sa Dos ay napabalitang sila ang magta-tandem. Hindi nga lang natuloy dahil walang nakita noon ang Dos na right project para sa kanila.

Source: Taliba