| | Sam Milby may chemistry sa lahat ng kanyang leading ladies Author: Julie Bonifacio Marami pa ring fans nila ni Anne Curtis at Sam Milby ang umaasa na magklakatuluyan pa rin silang dalawa. Anong masasabi ni Sam tungkol dito? "Siyempre, actually, s a lahat ng mga love teams ko siguro kami ni Anne 'yun ang pinakamalakas na love team. Well, dahil din, I mean, matagal din 'yung relationship namin. I mean, matagal din 'yun. Ang daming sumusuporta sa amin kasi nagkaroon kami ng mga Maging Sino Ka Man, maraming sumuporta sa amin sa love team namin doon. Tapos Dyosa pa. And then, everyone nakita naman ng mga tao na talagang in love naman kami. Nakita naman ng mga tao na talagang deep 'yung love namin. So, I think people, 'yung mga fans they love to see that, 'yung totoong buhay 'di ba? They like to see naman. So , wala. We have really a strong fan-based. Mas lalo 'yung TFC subscribers." Tinatapos ni Sam ngayon ang shooting ng first team-up nila ni Bea Alonzo na And I Love You So under Star Cinema. At the same time, tuluy-tuloy ang taping niya ng top-rating teleserye niya sa Primetime Bida ng ABS-CBN na Only You with Angel Locsin na first time din na-pair sa kanya at Diether Ocampo. Tulad ni Angel nakitaan din ng chemistry si Sam with Bea based sa trailer ng And I Love You So. "Sana," dasal ni Sam. "Gusto ko talagang mag.... that's why I'm happy. Nag-pair ako kay Toni (Gonzaga), nag-pair ako kay Anne, nag-pair ako kay Angel ngayon at maganda 'yung ratings namin sa 'Only You,' tapos itong movie. Sa movie na ito hindi ako, kasi bagong loveteam, dapat natatakot ako sa bagong loveteam, kasi 'yung support nila ni John Lloyd (Cruz) at Bea tapos ako we don't know if people will support our love team. Kaya lang confident pa rin ako kasi alam ko na maganda ang movie na ito. Parang ang ganda ng story at magaling talaga si Bea and I know people will support this movie. Parang 'yung tao manonood sila hindi para sa loveteam kundi para sa movie talaga, ang ganda." Ilang days pa ang taping nya para sa Only You? "A month pa, almost a month pa. Mga three weeks pa 'yung taping niya. Third week pa ng August (August 17) ang last taping. Aalis ako ng August 16. Wedding ng sister ko sa US." Magtatagal siya sa US? " Hindi, hindi sila pumayag. Mga six days lang." Ang next movie raw ni Sam ay malamang with Anne. Pero hindi pa raw sigurado. "But that's what I heard from some people. Anne muna bago may movie kami raw ni Toni. Si Toni kasi I think malakas din 'yung loveteam namin ni Toni. Tapos matagal kami na walang movie." Na-miss niya working with Toni? "Oo naman. Matagal kaming nagsama sa set and also I think ' yung movie ni Vhong (Navarro) may nagsabi sa akin na habang premiere night nag-cameo ako, ang lakas daw ng sigawan. Sa Star cinema raw, Sam and Toni kailangang gumawa ng movie, parang ganyan." Kamakailan ay may lumabas na intriga sa pagitan nina Toni at Anne. And apparently nadadawit siya sa isyu ng dalawa niyang leading ladies. Aware ba siya tungkol dito? " Hindi," sagot ni Sam. "I'm sure ako, if you're going to ask me kung anuman ang problema nila dati I think wala na talaga. I mean, first, ah, siguro matagal ng wala. I have no idea kung meron silang problem ngayon. Hindi ko alam. I'm sure wala na silang problema sa isa't isa. At kung meron, wala ako'ng kinalaman. Hindi ako kasali sa problema nila 'di ba?" pagtatapos ni Sam. Source: ABS-CBN Interactive |
|