|
|
| Sam, Piolo mas naging hot dahil sa 'Sofitel issue'Author: Leo M. Bukas HINDI pa tapos ang Sofitel issue nina Sam Milby, Piolo Pascual at Manay Lolit Solis. Kung may negative effect kay Sam at Piolo ang isyu, meron din naman itong positive effect. Aba, eh, according to my source from ABS-CBN, mas lalong naging in demand ang dalawa sa mga TV guestings and shows sa Dos. Marami raw silang natatanggap na e-mail requesting the network na i-guest ang dalawa sa iba't ibang programa nila. Mas lalo ring pinainit ng kontrobersya ang ASAP 07 dahil sa presence ng dalawa. Kumbaga, mas naging curious tuloy ang tao sa kilos nila. They are now observing kung totoo nga ang tsismis. Yesterday, nasa Your Song din si Piolo with Toni Gonzaga. Si Sam naman, na-feature din sa Boy and Kris habang nagsu-shoot ng music video para sa kanyang latest album under Star Records. Kasalukuyang nasa Amerika si Sam ngayon for a series of shows doon at sa Nov. 4 pa ang balik niya. Hindi namin sure kung pagdating niya sa bansa, eh, magpa-file na ng kaso ang abogado niya against Manay Lolit. Pero sana nama'y huwag na itong matuloy. Sana ay magkausap na lang ang dalawang kampo para maayos na ang lahat. Si Piolo naman bukod sa shooting niya ng Lobo with Angel Locsin ay naghahanda na rin para sa kanyang major concert sa Ara-neta Coliseum sa November. Take note, guest din ni Piolo si Sam sa kanyang concert, huh! * * * MATINDI ang labanan sa Best Drama Actress ng PMPC Star Awards for TV na gaganapin sa Nov. 18 sa Ateneo Theater. Magkakatunggali sina Bea Alonzo para sa performance niya for Maging Sino Ka Man, Anne Curtis, also from MSKM, Angelika dela Cruz for Bituing Walang Ningning, Sunshine Dizon for Bakekang, Jodi Sta. Maria and Claudine Barretto for Walang Kapalit. Kahit sino, pupuwedeng mag-win bilang best actress. For my opinion, labanan ito nina Anne Curtis, Jodi Sta. Maria at Bea Alonzo. Kung matatandaan pa ninyo, natanggap na ni Bea ang kanyang first acting award mula sa isang orga-nisasyon sa UST na nagre-review ng mga soap ope-rang sa telebisyon, kaya hindi na rin kami masu-surprise if she wins this time sa Star Awards. By the way, may movie nga pala si Bea and according to her, matured na ang role na ginagampanan niya rito. The title of the film is One More Chance at kasama niya rito ang kanyang favorite leading man na si John Lloyd Cruz. Palabas na ang movie sa Nov. 14 and this is directed by Cathy Garcia Molina mula sa Star Cinema. * * * GUEST cohost na naman si Ara Mina kahapon sa Wowowee ng ABS-CBN. Si Ara rin together with Anne Curtis and Valerie Concepcion ang nag-opening number sa programa. Nakadalawa na si Ara sa Wowowee. Bagama't hindi ito magkasunod, pero mukhang nagiging paborito ata siya ni Willie na gawing guest cohost sa programa. Natutuwa naman si Ara dahil nung unang na-ging guest cohost siya sa show, nag-rate ito at nakapantay pa sa ratings ng Eat Bulaga. Pero tulad ng palagi niyang sinasabi, wala pa siyang pinipirmahang kontrata sa Dos. Tinatanggap lang daw niya ang trabahong ibinibi-gay sa kanya ng Dos habang wala pa siyang ginagawa sa Siyete. Paalis si Ara papuntang London sa Nov. 7 para mag-show doon kasama si Bodie Cruz ng PBB. Pagbalik niya ay maggi-guest naman siya sa That's My Doc ni Aga Muhlach at sa ilan pang mga programa ng ABS-CBN. Source: Taliba |