Nov 24
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Sam bad boy ang bagong image

Author: Eric John Salut
Column: Kalerky

NAKAKALOKA ang dami ng projects na ginagawa ni Sam Milby. Mapa-telebis-yon, pelikula, concerts at pati endorsements.

Masayang ibinalita sa amin ni Sam na tuloy na ang paggawa niya ng Cul De Sac, isang indie movie na prodyus ng Smart at Cinemabuhay Productions.

Rough ang role na gagampanan ni Sam sa nasa-bing movie. He plays Hero na mukhang tahimik pero may dark character. Puno ng tatoo ang kanyang katawan.

"It's challenging in the sense that it's something I haven't done in the past," sambit ng guwapong aktor. "I have tatoos all over my body. Exciting, di ba?"

Kung tama ang dinig ko, sa mga susunod na projects ni Sam, no more goody-goody roles na muna ang gagawin niya. In fact, sa Dyosa, he is sho-wing more flesh. Sa napanood naming eksena nitong huli, he went topless.

"It's cool," sabi ni Sam.

At sa forthcoming concert niyang I Am Sam: The Rockoustic Heartthrob, most of the songs he'll sing ay rock. Tipong Chris Daughtry ng American Idol. There will also be acoustic songs.

Agree ako sa ginagawa ng ABS-CBN na ni-reinvent si Sam sa kakaibang i-mage, At tiyak na nag-iisa siya sa kanyang trono at mas magiging exciting ang dating niya sa kanyang followers.

* * *

NAAPEKTUHAN si Wenn Deramas sa panlalait sa pagkatao ni Pokwang mula sa isang male TV host. Knowing Direk Wenn, lagi itong pabor sa mga underdog. Kaya agad na kinausap ni Wenn ang premyadong scriptwriter na si Mel Mendoza-del Rosario para simulan ang isang script na maglulunsad kay Pokwang sa isang solo movie.

Ayaw pang i-divulge ni Wenn ang title ng movie. Pero may kinalaman ito sa joke ng nasabing male host.

Kapag nabuo na ang story, ipi-present na ito nina Wenn at Mel kay Star Cinema boss Malou Santos.

Speaking of Pokwang, masaya at memorable na nairaos ang birthday niya na ginanap sa Blue Without U (a bar she owns in Esquinita). Dumating ang mga kaibigan niya from and outside showbiz.

Nakisaya siya John Lloyd Cruz, Kris Aquino, Sam Milby, Anne Curtis, Angelica Panganiban, Jake Cuenca, Derek Ramsay, John Prats, Mariel Rodriguez, Valerie Concepcion, Pooh, Mosang, Ogie Diaz, Nova Villa, Daisy Romualdez, Bentong at mga kasamahan sa Wowowee at That's My Doc!

Halos kumpleto ang mga boss ng ABS-CBN na sina Cory Vidanes, Deo Endrinal, Enrico Santos, Johnny Manahan, Mariole Alberto, Louie Andrada, Alou Almaden, Linggit Tan, Leo Katigbak, Roxy Liquigan, Biboy Arboleda, Aida Espiritu at iba pa.

At mga direktor na sina Rory Quintos, Erick Salud, Wenn Deramas, Don Cuaresma, Trina Dayrit, Jillmer Dy at iba pa.

Nakilala ko din ng ga-bing yon si Dr. Jay Recasata (owner ng Faces & Curves). At mga representatives ng Ultra Mega.

"This is my happiest birthday, hindi ko ito makakalimutan," ang tanging nasabi na lang ni Pokwang.

* * *

SABAY-sabay na pumirma ng kontrata sina John Lloyd Cruz, Vhong Navarro at Ruffa Gutierrez ng contract with ABS-CBN noong Miyerkules ng tanghali. Ang sayang tingnan ng tatlong artista ng I Love Betty La Fea na nagsama-sama sa said event.

Along with Cory Vidanes (TV Production Head) at Deo Endrinal (Business Unit Head), kasama din sa contract signing sina Chito Roño (for Vhong) at Annabelle Rama (for Ruffa).

Bulung-bulungan nga during the contract-signing kung sino sa tatlong stars ang may pinakamalaking talent fee. Pare-pareho kasing big stars ang tatlo na inaalagaan ng ABS-CBN.

Alagang-alaga pati sa billing ng I Love Betty La Fea sina Vhong, Ruffa at John Lloyd.

Magsisimula nang mapanood ang bagong ABS-CBN series sa September 8 na ang balita ko ay mas maagang mapapanood dahil ito ang request ng parents ng mga batang viewers.

Source: Taliba