Nov 23
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Sam, nagsasamantala

Author: Mercy Lejarde
Column: Tell & Tell

Handang-handa na si Sam Milby sa first major solo concert on Oct. 25, na gaganapin sa Aliw Theater. Titled I am Sam: Rockoustic Heartthrob, special guests sina Anne Curtis, Pokwang, Yeng Constantino at international singing sensation at Journey frontman Arnel Pineda at iba pang surprise guests.

Super blessed si Sam among his orig PBB co-housemates. Kaliwa’t kanan ang projects niya sa TV, movies, recording, concerts at product endorsements, kaya sa solo presscon na gibsung ng ASAP Live kahapon, tinanong itey ng yours truly kung ano pa ba ang gusto niyang ma-achieve gayong meron na siyang naipatayong dream house, may liquid savings account at may Anne Curtis pa?

Wow, what super blessings, devah naman?

“Siyempre, marami pa akong gustong gawin. .. ah. .. in a way, yes, lalo na this coming concert of mine na this is a big thing for me. I don’t know, but a lot, I just want to keep on improving sa music, sa singing, sa performance, sa acting,” sey ng Sam.

O, sige, Sam, mamili ka na lang sa dalawang quotation ek ng yours truly. .. which do you prefer most. .. strike while the iron is hot or don’t push your luck too much?

“Siguro, I think I’ll choose ‘strike while the iron is hot. ’ Kasi, siyempre naman, it won’t last forever,” ang sey ni Papa Sam. Papa Sam daw, o! Hahaha!

Korek ka riyan, Papa Sam. Strike while the iron is hot, dahil ayon nga sa lyrics ng isang awitin. .. “nothing’s good gonna last forever. .. ”

Unless it’s diamond for diamonds are forever, tsuk!

* * *

Sa grand prescon naman ng Banana Split, tipong naging instant favorite ng press pipol si RR Enriquez, ang aanga-angang dancer ng Wowowee na medyo may hawig kay Diana Zubiri.

Siya tuloy ang inulan ng katanungan during the Q&A portion, kahit na komedi at may kaberdehan ang dating.

Napansin lang namin na tipong insecure sa kanya si Roxanne Guinoo, na nagsabing. .. “Sige na RR, it’s your shining moment” or words to that epek.

’Di kaya dahil nawala si Roxanne sa Wowowee tapos, si RR ang tipong nag-shine at ngayon nga ay kasama pa niya sa Banana Split na matitikman n’yo na simula sa Sabado, October 11, pagkatapos ng MMK sa ABS-CBN? Just asking po.

Anyway, bukod kina RR at Roxanne Guinoo, kasama rin sa cast sina Angelica Panganiban, Cristine Reyes, Valerie Concepcion, Princess Ryan at Dianne Medina sa direction ng mag-amang Bobot at Franco Mortiz.

“Nilagyan namin ng weekly guest hunk para mabalanse ang gags o sketches. Isa rin ito sa dapat abangan ng mga manonood, kung paano i-playtime ng girls ang guest hunks like Zanjoe Marudo, Diether Ocampo, John Lloyd Cruz, Jake Cuenca at Sam Milby,” sey ni Direk Bobot.

Naku, paglaruan din kaya ng mga nasabing celeb girlash ang “saging” ng papable guest hunks? Nakooo, abangan n’yo na lang sa Oct. 11, tsuk!

Source: People's Tonight