Nov 24
HomeLoginBrowseNewsTV ScheduleStatisticsPreferenceHelpMessage Board

Sam to sue Lolit; Piolo to follow suit?

Hindi lang si Sam Milby ang nagbabalak idemanda si Lolit Solis, kundi pati si Piolo Pascual kaugnay ng Hotel Sofitel issue. Nakikipag-collaborate na ang lawyer ni Piolo sa lawyer ni Sam para sa isasampa nilang demanda laban kay Lolit kung hindi ito mag...

 

Sam to sue Lolit; Piolo to follow suit?

Author: Rowena Agilada

Galit na galit si Sam na aniya, below-the-belt at fabricated ang sinulat ni Lolit. Sa "The Buzz" ay nag-demand si Sam ng retraction at public apology mula kay Lolit or else, he'll sue her.

Pinanindigan ni Sam na wala siya sa Hotel Sofitel that day and time na nakita silang magkasama ni Piolo na sinulat ni Lolit. Ayon kay Sam, nasa Essentials Tony & Guy siya sa Robinson's Galleria.

Aniya, the first time he heard about the issue, parang wala lang sa kanya. Napag-usapan raw nila 'yon ni Piolo. Pero nang lumaki na, na-upset siya, ani Sam. Hindi raw niya kilala si Lolit at ano raw bang makukuha nito sa sinulat nito?

Likewise, gano'n din ang sinabi ni Lolit sa "Showbiz Central." Aniya, ano raw bang mapapala niya at feeling daw niya'y siya pa ang nagamit. Wala siyang motibo at wala siyang masamang sinabi. Bakit daw defensive reaction na ang dami-daming nag-deny sa isyu?

"Kredibilidad ko ang nakataya at kung sino o ano ang gustong paniwalaan, okey. Anytime,pwede akong makipag-usap sa kanila. Wala akong mapapala. Hindi ako magkakapera. Nagtataka lang ako, bakit lumaki? Parang major event. Ano bang dapat patuna-yan? May masama ba sa dalawang lalakeng nagbubulungan?" pahayag ni Lolit.

Source: Tempo