|
|
| Sampal at sabunot kay Lorna tinotoo ni Chin ChinAuthor: Chan-Chan Torres Si Kris Aquino ang pinakabagong endorser ng 555 Tuna, kilalang brand at very affordable na canned tuna. Sa launch-presscon bilang bagong endorser ng 555 Tuna, humarap si Kris sa press ka-join ang anak na si Josh, at game na sinagot ang mga tanong sa kanya. "Favorite ko 'yung Afritada nila, it's really masarap. And then, since I cook, I love Tuna Pasta. Kasi,'pag maanghang I can only tolerate the one with gata. I don't eat tuna with rice. Usually, I eat it with bread or crackers," bu-ngad ni Kris tungkol sa mga paboritong tuna dishes. Bukod sa pagiging endorser ng 555 Tuna abala rin si Kris sa shooting ng Mano Po 6. Ayon kay Kris, masa-sabi niyang malaking break ito sa kanyang career dahil kasama niya sa movie si Sharon Cuneta, na bata pa lang ay idol na niya. Sinabi pa ni Kris na anytime soon ay magsisimula na raw siyang mag-shooting for Mano Po 6. Kinukulit na nga raw siya ni Mother Lily Monteverde kung kailan siya available para makapag-shoot pero inuna muna ni Kris ang presscon niya for her latest endorsement. Ibinalita rin ng aktres/TV host na balik-primetime TV siya at may permiso daw ito ng mister niyang si James Yap. "You know, I have to give credit to my husband, kasi he didn't like teleseryes. Ayaw niya ng hours and all. But then I explained to him, it is with very good exposure, starting Febuary, it's a very good and positive role. Naiintindihan niya. "Hindi rin naman siya nagdalawang-isip nu'ng si-nabi kong we have a very good offer for the house, can we move? In all fairness to him, he said go. Tapos naghahagilap pa kami ng bayad sa kabilang istasyon para makapag-air kami (MTV ni Sen. Noynoy Aquino). Sabi niya, ano, ibenta na natin ang Land Cruiser? So, wala akong mahihingi in that sense kay James na naramdaman niya na kailangan niya to step out also to do this for Noy and for the family," pagmamalaking kuwento ni Kris tungkol sa asawa. * * * How true ang chikang tinotoo raw ni Chin Chin Gutierrez ang sampal at sabunot kay Lorna Tolentino sa isa highlights na eksena sa Dahil May Isang Ikaw? Napanood namin ang pinag-uusapang eksenang ito nu'ng Lunes at talagang mukhang feel na feel nila ang pagsasabunutan ever. Balitang dahil sa nasaktan daw si LT, ayaw na raw ni-yang maka-eksena si Chin Chin? Well, sa tingin namin sa tagal nang artista ni LT, alam niyang kailangan sa eksena ang ganitong sampalan blues at may mga pagkakataong naki-carried away talaga ang mga artista. Hindi naman siguro sinasadya ni Chin Chin na saktan si LT. Magpasampal pa kaya uli si LT sa Dahil May Isang Ikaw? Kayo, ano sa tingin ninyo? Source: Taliba |