|
|
| Sana mabigyan ako ng hustisya -- RichardAuthor: Nitz Miralles Royale Era Entertainment day sa Showbiz Central noong Linggo sa sabay-sabay na paggi-guest nina Annabelle Rama, JC de Vera at Richard Gutierrez at Royale Era talent din ang isa sa mga hosts na si Raymond Gutierrez. Anyway, nagsalita si Richard sa pagka-dismiss ng libel case niya laban sa PEP, palaban ang actor at ibinalitang this Wednesday, magpa-file ang lawyer niya sa DOJ ng petition para rebyuhin ang libel case na isinampa niya sa PEP. Ayon sa actor, nakasira sa kanya, sa pamilya niya at reputation niya ang lumabas sa PEP. "Marami na akong pinalampas na tsismis, pero ngayon ipaglalaban ko kung ano ang tama. Saan man ito makarating, at least masasabi kong ipinaglaban ko. I believe we have a very strong case, strong evidence, sana mabigyan ng hustisya," wika ni Richard. Ganu'n din halos ang pahayag ni Annabelle na sumalang sa Intriga Crossfire, suportado nila ang actor at hindi sila susuko. Pinayuhan daw niya ang mga anak na 'wag paapi at lumaban sila. Sinabi rin niya kay Richard na tibayan ang puso at ngayon, malalaman niya kung sino ang mga tunay niyang kaibigan. Sa Gimme Mo!, si Lian Paz ang na-interview ni Mo Twister na on-leave sa Eat...Bulaga dahil sa ovarian cyst. Itinanggi nitong buntis siya, kaya tumaba. 'Kaloka lang ang sagot nitong "not planning, but we are trying" sa tanong kung plano nilang magka-baby na. Hindi pa rin nami-meet ni Lian ang mommy ni Paolo, pero may plano silang makipagkita rito this year. * * * Binigyan ng dinner ng may-ari ng Alona Tropical Beach Resort sa Panglao, Bohol ang cast at production staff ng I'll Be Waiting For You, Sunday evening, pero sina Kris Bernal, Julio Diaz, Baron Geisler, Gerald Madrid lang ang aming nakita, 'di dumating si Aljur Abrenica at nang tanungin si Kris kung nasaan ang ka-love team, natutulog na raw. Hindi pa sila nakakapag-usap ni Baron that time at hayaan na raw muna ang actor. Nakita ng press na kinausap ni Baron si Kris, wala lang nakapagtanong kung ano ang kanilang pinag-usapan, pero sa body language ni Baron, parang nagpa-paliwanag ng side niya sa nangyari sa fight scene nila ni Aljur. Dahil 'di nagpakita si Aljur, hindi siya natukso ng press sa pagbuyangyang ng kanyang abs sa pictorial nila ni Kris sa very expensive Eskaya Beach Resort & Spa na 'pag pinasok, parang ayaw mo nang lumabas. 'Di rin nagpahuli si Kris na nag-two-piece at inaming nako-conscious dahil tinitingnan siya ng ka-love team at maraming tao sa pictorial. Sinagot pala ni Kris ang isyung sobrang PDA sila ni Aljur sa Bohol at kung makahawak siya'y parang may aagaw sa kanya sa actor. Sabi ni Kris: "Hindi naman kami laging magka-holding hands at 'di namin sinasadya kung may na-turn off. Sanay lang kaming ganu'n 'pag lumalabas. Sorry kung may-roong 'di nagkagusto. " Maraming kissing scenes sina Kris at Aljur sa launching movie nila sa Regal at dahil may mga kissing scenes na sila sa TV at dito sa All My Life, nasasanay na siya. Mamaya sa All My Life, pinagselosan ni Romina (Kris) ang nakitang saya ni Amelia (Gelli de Belen) nang makita si Jules (Aljur Abrenica), tumakbo siya sa beach at hinabol ni Jules at sinabihang 'wag lumangoy. Nag-away sila, sinampal ng dalaga ang binata na nagbantang hahalikan siya 'pag sinampal uli siya at nauwi sa halikan ang eksena. * * * May teaser na ang papalit sa Suspetsa episode ng SRO Cinemaserye at dahil sinabi na ni Regine Velasquez, isusulat na rin naming ang life story ni Eva Castillo na madalas niyang makalaban sa amateur singing contest ang tampok. Dalawa ang gaganap na Eva, sina Glaiza de Castro bilang teenager na Eva at si Manilyn Reynes nang magka-edad na. Makulay ang buhay na pinagdaanan ni Eva, maraming matututunan sa kanya ang viewers. * * * Wednesday sa Adik Sa 'Yo, dahil kay Camille (Pauleen Luna), nabuking ni Karen (Jennica Garcia) ni Ruben ) Dennis Trillo) at magagalit ng todo ang binata kay Karen at no choice ito kundi bumalik na lang sa Manila with her parents. Nasuntok naman ni James (Wendell Ramos) si Carlos (Marvin Agustin) at mare-realize ng huli na nagseselos siya sa lawyer. Ibabalik ni Carlos ang isinauling engagement ring ni Joana (Jolina Magdangal) at aayain niya muli ang dalaga na pakasal sila. I-a-announce na sana ni Carlos ang plano nila ni Joana nang dumating si Karen. * * * Magagandang pelikula pa rin ang hatid ng 5 Max Movies sa kanilang viewers, gaya ng Patch Adams na palabas this Wednesday and starring Robin Williams. Tungkol ito sa isang doctor na sumikat dahil sa kakaibang paraan nang paggagamot. Bukas, tampok naman ang pelikulang 300 Miles to Graceland at bida sina Kevin Costner, Kurt Russel, Courtney Cox at Christian Slater. Tungkol ito sa pagtatangka nilang pagnakawan ang isang casino habang ginagawa ang convention ng mga impersonator ni Elvis Presley. * * * Sa Rosalinda, sisiraan ni Fedra (Katrina Halili) si Rosalinda (Carla Abellana) kay Fernando Jose (Geoff Eigenmann). Hahanga ang binata sa boses ni Rosalinda nang kantahan si Fr. Alvir (Cloyd Robinson) at sasabayan niya ang pagkanta ng dalaga nang pagtugtog sa piano. Aaminin ni Fedra kay Fernando Jose na gusto niya ito at mahal niya raw ito. Pagtatangkaang halikan ni Fedra ang binata. Source: People's Tonight |