|
|
| Santino at Bro, may album na!Author: Alfie Lorenzo MASUWERTE talaga si Santino, o Zaijian Jaranilla, dahil heto nga at wagi ang pinagbibidahan niyang teleserye na May Bukas Pa bilang Best TV Series sa katatapos lang na Catholic Mass Media Awards (CMMA). At hindi lang diyan nagtatapos ang suwerte ni Santino, dahil pinasok na rin niya ang recording. Say nga nila, muli raw magbibigay ng pag-asa si Zaijian sa mga tao, sa pamamagitan ng kanyang bagong album, ang May Bukas Pa Soundtrack 'Conversations of Bro and Santino, na nagtatampok ng kanyang pakikipag-usap kay 'Bro' at mga kantang hango sa May Bukas Pa, na inawit nina Erik Santos, Toni Gonzaga, Rhap Salazar, at Juris ng MYMP. Ikukuwento raw ni Santino kung paano magbibigay inspirasyon ang kanyang pakikipagpalitan ng salita kay Bro. “Magkukuwento kaming dalawa kung paano po maging mabait, paano mag-pray at paano po maging masunurin,” say ni Zaijian. Sa mga susunod na episode ng May Bukas Pa, tuluyan na ngang makukuha ni Father Jose (Dominic Ochoa) ang kustodiya ni Santino matapos isoli ang bata ng mga taong nag-ampon sa kanya. Para sa mga updates, mag-log on sa www.ABS-CBN.com. Isang dating child star din ang babalik sa TV, at `yan ay sa Halloween special ng TV5's Midnight DJ. Ngayong gabi, mapapanood muli sa isang horror role si Matet de Leon na siyang nagpasikat sa linyang “Takot ako, e!” back in a 90s Pinoy horror movie, at this time with “Wanlu the Puppeteer” ng Talentadong Pinoy sa isang Halloween special episode na pinamagatang “Puppet na Malupit.” Dahil napabayaan ng kanyang departed and beloved master, isang dating loveable na puppet ang mabubuhay—hindi para magpasaya ng mga tao kundi para pumaslangg at manakot. Maaalarma ang buong Midnight DJ Team lalo na si Samboy (Oyo Sotto), at kung anu-anong kababalaghan ang mararanasan nila habang inaalam kung sino o ano ang nagma-manipulate sa killer puppet. Si Juancho Lunaria, better known as “Wanlu” mula sa Hall of Fame ng Talentadong Pinoy, showcases his amazing and jaw-dropping talent in ventriloquy as he controls and moves behind the scary puppet. Balik TV rin ang sikat na 70s host-actor na si Ariel Ureta sa George and Cecil. Matapos ang napakatagal na pamamahinga sa pag-arte sa TV, matutunghayan muli si Ariel sa romantic comedy ng Dos bilang si Tereso, ang tatay ni Cecil (Ryan Agoncillo) na bumalik para ayusin ang annulment sa asawang si Maribel (Tessie Tomas). Talagang ikinagulat ng Murillo family ang kanyang biglang pagsulpot ngunit mas ikinagulat nila na pati kerida nito ay kasama rin. Paano kaya haharapin ni Maribel si Tereso? Ano naman kaya ang magiging reaksyon ni Cecil? Source: Abante |