|
|
| Sarah at Gerald, magsasama sa concertAuthor: Nitz Miralles Tama ba ang dinig namin kay Direk Rico Gutierrez na maggi-guest si Gerald Anderson sa Record Breaker concert ni Sarah Geronimo sa Araneta Coliseum sa November 7? Nakita namin si Direk Rico sa joint birthday party nina Jun Nardo at Allan Diones at inalam namin kung sino ang nadagdag na guest sa concert bukod kay Charlie Green? Sabi nito, posibleng mag-guest si Gerald dahil baka gumawa sila ng movie ni Sarah. Naku, hindi alam ni Direk Rico na malaking isyu ang ibinalita niyang ito sa fans nina Gerald at Kim Chiu na ayaw magtambal sina Gerald at Sarah sa TV, movie at kahit magsama sa concert. Anyway, 'di pa naman 100 percent sure si Direk Rico na guest nga si Gerald at nabanggit din ni Sarah sa presscon ng kanyang concert na malabo na silang gumawa ng movie ni Gerald dahil marami ang galit, pero sa isang interview kay Gerald, sinabi nitong gagawa sila ng movie ni Sarah. * * * Two years pa lang sa showbiz si Marco Morales, pero nakagawa na ng nine indie films at lahat this year lang niya ginawa, sa second year niya bilang artista. Ang first year niya sa showbiz ay ginugol sa SOP bilang member ng Showboys at nang ma-disband, saka siya nag-artista. Hindi isyu kay Marco kung puro sexy movies ang ginagawa at kung naghuhubad siya o may frontal nudity ang mga eksena dahil kasama ito sa kanyang trabaho. Sa latest movie niyang I Love Dreamguyz ng DMV Entertainment sa direction ni Joel Lamangan, may frontal nudity uli siya, may kissing and love scenes sa newcomer na si Jay L. Dizon. Next month, anniversary ni Marco bilang sexy actor at tatawagan niya ang mga taong nakatulong sa kanyang career. Para hindi pagsawaan, last movie niya ang I Love Dreamguyz na ipalalabas this year at sa 2010 na uli siya raratsada. "A sexy film with a big heart" ang description sa pelikula na tungkol sa struggles ng Japan-bound male dancers. Bukod kay Jay, kasama rin ni Marco sina Sherwin Ordoñez, Mhyco Aquino at newbie na Miggy Valdez. Script ito ni Eric Ramos at showing sa November 4 sa Robinsons Galleria at Ermita, Remar, Cinerama Isetann Recto, Gotesco Grand Central, Roben at Ultra Vista Cebu. Sina Spike Bermudez at Harvey Jacinto ang choreographers ng movie. * * * Ang bilang ni Malou Choa-Fagar, 21 talents na ang hawak niya at ang latest na nadagdag ay ang mag-amang Joey at Jeremy Marquez at si Ryan Yllana. Siya rin ang manager nina Oyo Sotto, Keempee de Leon, Matet de Leon, Ian de Leon, Jose Manalo, Anjo Yllana, Shivaker, Danica Sotto, Roderick Paulate at Maricel Soriano. Nakalimutan namin ang ibang pangalang binanggit ni Malou at hindi na raw siya ang manager ni Ariel ng Ariel & Maverick dahil 'di sumasagot sa mga tawag niya. Pati yata si Jude Matthew Servilla, ang champion sa Birit Baby ng Eat Bulaga, siya na ang manager. Ibinalita ni Malou na today, uuwi muna si Jude Matthew sa La Carlota City para bisitahin ang mga kapatid na lola lang nila ang nag-aalaga. Sa Manila na nag-i-stay ang bagets mula nang mag-champion sa Birit Baby kasama ang parents, pero kailangang bumalik before Saturday dahil kakanta siya sa Eat Bulaga. * * * Aalis si Tirso Cruz III sa first week ng November kasama sina Christopher de Leon at Edgar Mortiz para mag-guest sa show ni Nora Aunor. Superstar ang title ng show na gagawin sa Santa Maria, Los Angeles, San Diego, at Las Vegas at dahil nandu'n na, manonood na rin sila sa laban ni Manny Pacquiao kay Miguel Cotto sa November 14. Kasama ni Pip ang wife niyang si Lyn Cruz at join ni Edgar ang wife na si Millet. Si Boyet, 'di yata masasamahan ni Sandy Andolong dahil may taping ng Stairway to Heaven. Nagpaalam na si Pip kay Direk Joel na mag-a-absent sa taping ng Ikaw Sana at pinayagan naman. Samantala sa Ikaw Sana, ililigtas si Eliza (Jennylyn Mercado) ni Carlo (Jace Flores), pero gagahasain nito si Eliza. Magkukunwari si Sofia (Pauleen Luna) na gustong alagaan si Niña, pero ang totoo'y gusto lang niyang magkalapit sila ni Michael (Mark Herras). * * * Sa Stairway to Heaven, isusumbong ni Maita (Jean Garcia) si Cholo (Dingdong Dantes) kay Zoila (Sandy Andolong) dahil hindi sinamahan sa Cebu si Eunice (Glaiza de Castro). Pagbalik ni Eunice, hahanapin agad si Cholo at muntik silang magkita ni Jenna (Rhian Ramos). Pagkatapos makita ni Cholo ang 12 designs nina Jenna at Badet (Karen delos Reyes), hihingi siya ng another 12 designs. Nakita ni Eunice ang ilang designs ni Jenna at magugustuhan ang isa para sa kanyang wedding gown. Ipatatawag niya ang designer at mabibigla siyang malamang si Jenna ang designer. Magkikita na sina Jenna at Eunice. Source: People's Tonight |