Nov 22
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Sarah at Toni pinagsasabong

Author: Tonee Coraza
Column: Whatever

Pilit na iniintriga ang kampo nina Sarah at Toni Gonzaga sa hindi pag-kakatuloy ng pelikula nilang pagsasamahan dapat sa Star Cinema kasama sina Vhong Navarro at Rayver.

Lumabas kasi ang tsikang tinanggihan daw ng kampo ni Sarah ang project na ito.

Ilang beses na ring ipinaliwanag ni Sarah na wala siyang alam tungkol sa movie na ito with Toni.

Dahil nu'ng pumutok ang balita tungkol dito ay nasa States siya sa kanyang concert tour.

Hanggang ngayon ay wala pa ring sinasabi si Boss Vic sa kanya tungkol dito sa kanya.

Ayaw na ring patulan ni Toni ang intrigang ito.

Maski pagdating sa billing ay nagparaya na siya na kahit mauna si Sarah sa billing ay okey lang sa kanya sakaling matuloy ang project nila together.

Kagagaling lang ni Toni mula sa series of shows sa States at itinanggi rin niya na nag-maldita siya at nang-isnab ng fans sa US.

Naku, masyadong intriga-proned talaga si Toni!

Teka bigla naming na-alala, si Toni rin pala ang original celebrity endorser ng Careline Cosmetics for three years bago siya pinalitan ni Sarah early this year na ngayon ay may bagong TVC na "All Pretty Ladies. "

Mukhang nagku-kris talaga ang landas ng dalawa!

* * *

Nagsalita na rin si Sarah Geronimo tungkol sa napapabalitang panliligaw ni Rayver Cruz kay Melissa Ricks.

Okay lang daw kay Rayver na manligaw kay Melissa kasi wala naman daw itong commitment kahit kanino.

Maski silang dalawa ay friends lang daw kaya wala siyang hold sa aktor.

Puwede nitong gawin ang kahit na anong gustuhin niya.

Napansin lang namin na habang sinasabi niya ito ay mukhang ma-lungkot ang ating young diva.

Cheer up Sarah, dine-deny naman ni Rayver ang tsikang ito.

Isa pa, malapit ka nang mag-birthday sa July 25.

Type nga pala niyang mag-hiking o mag-camping sa birthday niya kaya humihingi siya ng ilang araw na day off kay Boss Vic del Rosario ng Viva.

But knowing Viva, may iniluluto na silang surprise birthday party kay Sarah!

* * *

Matagal nang hindi nagkikita si Joross Gamboa at ang ex-GF niyang si Roxanne Ginoo kaya ayaw niyang mag-comment sa isyung pag-backout ni Roxanne sa Bud Brothers dahil ayaw nitong makipaghalikan sa ka-partner nitong si Guji Lorenzana.

Kesyo seloso raw ang bagong non-showbiz BF ngayon ni Roxanne kaya minabuti na lang na mag-backout kasi mahal na mahal ito ng aktres.

May bago na ring non-showbiz GF si Joross ngayon at kamukha ito ni Megan Fox ng Transformers.

Isa itong model at ipinakita pa ni Joross sa amin ang picture nito sa cellphone niya.

Aba, talbog talbog talaga si Roxanne pagda-ting sa ganda at kaseksihan nito, no wonder, nakalimutan na ni Joross ang ex-GF niya.

Kasama siya ngayon sa Pat Is Tin with Valerie Concepcion.

* * *

Natatawa lang si Robi Domingo tungkol sa isyung pagkakaroon niya ng isang sex scandal with a gay.

Napanood namin mismo ang nasabing sex video sa YouTube at kahawig lang ni Robi 'yung bagets na bino-blowjob ng isang bading.

Obvious na impo-sibleng mangyari 'yun kay Robi dahil napakatinong bata niya, not to mention being an honor student sa Ateneo and a role model for the youth.

Mamayang 3 p. m. ay nasa NE Mall, Cabanatuan City si Robi bilang special guest sa "Diabetes Week" ni Dr. Tan.

Kasama niya sina Ronnie Liang at JR Siaboc na magbibigay kasiyahan sa mga taga-Cabanatuan.

Source: Taliba