Nov 22
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Sarah baka ligawan ni Robin kaya 'di ipinartner ng Viva

Author: Gerry Ocampo
Column: Go

Kahit anong intrigang ibato kay Robin Padilla ay nananatili pa rin malakas ang charisma nito sa masa.

In fairness kay Binoe, hindi pa rin nagbabago ang pakikitungo niya sa press. Siya pa rin si Robin noong nagsisimula hanggang nga-yon na madaling kausapin at lapitan ng press para ma-interview

Nilinaw ni Binoe na hindi niya tinanggihan si Kris Aquino na makasama sa teleserye.

Ang totoo raw ay hindi muna siya gagawa ng teleserye dahil napagod siya sa sunud-sunod na teleseryeng ginawa sa GMA-7.

Gusto niyang balikan ang paggawa ng pelikula.

Ang siste, nang hinihingi niya si Sarah Geronimo sa Viva Films para makatambal ay hindi raw pinayagan ni Boss Vic del Rosario sa takot na baka ligawan lang daw nito ang Pop Princess.

Nang hingin naman daw niya si Anne Curtis ay hindi sa kanya itinambal kundi kay Jericho Rosales.

Kay Marian Rivera naman daw ay napagod na siya sa kahihintay sa sob-rang hectic ng schedule ng actress.

Dahil gusto niyang ngaon na gumawa ng pelikula kaysa teleserye ay binalikan niya ang Star Cinema kung saan may isang pelikula pa siyang dapat gawin at ibinigay sa kanya si Toni Gonzaga.

Malapit na silang mag-shooting ni Toni at wait and see kami kung ano ang mangyayari sa kanilang tambalan.

* * *

MULA nang aminin ni Lovi Poe sa shooting ng Sagrada Pamilya na almost one month na silang hiwalay ni Jolo Revilla ay kung kanino-kanino na siya inili-link.

Nandiyang ang anak ni Chavit Singson daw ang ipinalit niya kay Jolo dahi madalas silang magkitang magka-date ni Ronald Singson.

"Totoo na I go out with Ronald (Singson) pero grupo po kami. Close friend lang kami. I feel bad lang kasi maraming parties ang naaapektuhan dahil sa isyu na ito. We have common friend na nagkataon na nagkasama-sama kami lahat, nandoon ako at nandoon din siya na binigyan kaagad ng kulay.

"Nakakasama lang ng loob kasi hindi naman ako ganoong klaseng babae na madaling mag-move-on. Sorry kay Ronald dahil nabi-bring up ang pangalan niya. Malaki ang respeto ko sa kanya. I'm sorry na napunta sa point na ito," paliwanag ni Lovi sa isyu.

Sa backstage ng Skydome, SM North Edsa, kung saan ginanap ang 1st PMPC Star Awards For Music ay muli naming nakausap si Lovi.

This time ay masaya na siya at tila nakalimutan na 'yung pagli-link sa kanya sa anak ni Chavit.

"Nakasentro po ang attention ko ngayon sa pelikulang Pamilya Sagrada na malapit nang matapos. Buti na lang busy ako kaya 'di gaanong naapektuhan sa mga isyung naglalabasan na hindi naman totoo," say pa ni Lovi na lalong gumanda at sumeksi.

* * *

SA September/October birthday presscon ng Star Magic Talents ay pilit nagsasalita si Priscilla Meirelles, ang Brazilian girlfriend ni John Estrada, ng Tagalaog kahit pautal-utal at baluktot ang pananagalog.

Nu'ng mag-birthday last Sept. 5 si Priscilla at bonggang trip to Hawaii lang naman ang regalo sa kanya ng dyowa.

Nabuko rin namin na madalas silang mag-away ni John noon. Nag-break an rin sila for two months pero nagkaayos din dahil love talaga nila ang isa't isa.

Katunayan, niyaya na nga siyang pakasal ni John at tinanggap na ito ni Priscilla.

* * *

For the first time ay na-meet ni Dawn Zulueta si Lucy Torres nang mag-guest ito sa The Sweet Life ng QTV 11, kung saa co-host si Wila Doesnt.

Naging maganda ang pagkikita nina Dawn at Lucy. Aminado si Dawn na hindi niya alam kung paano haharapin ang wife ng da-ting nobyo. Pero naging ma-ayos naman at na-flatter pa siya nang sabihin ni Lucy na kung papasok siya sa showbiz ay tutularan niya si Dawn.

* * *

PERSONAL: Nakikiramay kami sa naulila ng katoto at showbiz reporter na si Joferd Nievera.

He passed away last Nov. 1 at nakahimlay ang kanyang mga labi sa Funeral Paz, Q. C.

Ganoon din ang pakikiramay namin sa katotong si Fundy Soriano na namata-yan ng apo na si Jowen Soriano.

Source: Taliba