|
|
| Sarah, bida sa 'Sana'y Wala Nang Wakas'![]() Column: Hot 'n Spicy HINDI yata kagandahan ang mga publicity ngayon ni JayR Siaboc. Ang balitang nagsi-circulate sa showbiz, wala raw naiipon ang young actor dahil si Irish ang naghahawak ng kanyang pera. Matagal na ring umiikot ang kuwento na live-in na ang dalawa, pero pareho naman nila itong itinatanggi. Ang hinala pa ng marami, si Irish ang bad influence sa buhay ni JayR. Maganda ang career ngayon ni JayR. Among the PDA Top 6, siya ang napaboran nang husto ng ABS-CBN management dahil sa sunud-sunod na matitinong proyektong naibibigay sa kanya. One after the other ang paggawa niya ng teleserye. Katatapos lang niya ng Patayin sa Sindak si Barbara at ngayon ay kasama naman siya sa cast ng kasisimula lang na Palos nina Jake Cuenca at Cesar Montano. Sa opinion ng iba, dapat ay alam ni JayR kung paano protektahan ang image, lalo na nga't wholesome ang pinu-project na imahe. On the other hand, ang iba naman ay pinupuri ang young actor sa pagiging totoo sa sarili, partikular na ang pag-amin niya na pumatol siya sa gay. Teka, sinu-sino ba ang gays na ito? Ni-reveal din kaya ni JayR? Matatandaang parating nauudlot ang launching flick dahil na rin sa hectic schedule ni Sarah. Naging busy rin kasi ang Pop Princess sa mga concert here and abroad kaya naapektuhan ang matagal na dapat nasimulang pelikula. Tatapusin lang ni Sarah ang concert sa U. S. and Canada ngayoing Marso kasama ang Champions at pagbalik niya, baka raw matuloy na ang pelikula. Ngayong February 13 naman, may Valentine concert si Sarah sa Araneta Coliseum produced by ASAP Live, ang Ol 4 Luv, kasama sina Rachelle Ann Go, Christian Bautista at Erik Santos. Sa March, halos isang buwan siyang mawawala para sa U. S. at Canada tours. Nakausap namin si Rochelle sa last shooting day ng Ate nina Ara Mina at Cristine Reyes at malungkot niyang sinabing wala pa ring resulta ang kaso ng kapatid. "Mag-iisang taon na siyang nawawala. Kung sinu-sino na ang nilapitan namin, four authorities na ang humahawak ng kaso, may Task Force Ruby Rose na, pero nagtataka ako kung bakit wala pa rin silang lead man lang," sabi ni Rochelle. Pati raw ang mga magulang niya ay pumayat na sa kaiintindi sa kaso at sa kaiisip sa anak na nawalala, kung buhay pa ba ito or what. Kung minsan nga raw, gusto na niyang pumunta ng Malacañang para hingin ang tulong ni Presidente Arroyo. "Sa ngayon, hindi ko na alam kung sino pa ang lalapitan ko. Kung saan-saang psychic na rin kami pumunta, ang hirap, eh. " Ang pinagdaraanan daw ng pamilya niya ngayon ay isang napakalaking dagok at hindi niya alam kung kailan ito matatapos. Sumasabay pa sa problema ni Rochelle sa kapatid ang marital problems nila ng asawang si Jimwell Stevens, kaya we wonder kung paano niya nakakayanan ang lahat ng ito. Sa harap ng lahat ng problemang ito, nagpapasalamat si Rochelle sa friendship na ibinibigay ni Ara sa kanya. "Si Ara ang parang pumuno ng puwesto ng kapatid ko. Siya 'yung ka-telebabad ko na ngayon, tuwing umaga, tsinetsek niya ako kung kumusta na ako, lagi siyang nandiyan kapag kailangan ko siya, pati mga anak ko, mahal na mahal siya. And I really appreciate that," garalgal ang boses na sabi ni Rochelle. Source: People's Tonight |