|
|
| Sarah, 'bumigay' kay Christian!![]() Author: Abante FOR the first time, nakatuntong ng Universal Records si Sarah Geronimo dahil sa ginawa niyang collaboration with Christian Bautista sa kauna-unahang album naman ng huli for U.R. May duet sina Sarah at Christian sa bagong album ni Christian, ang Romance Revisited: The Love Songs of Jose Mari Chan. Silang dalawa ang nag-remake ng orig na kinanta nina Jose Mari at Regine Velasquez na Please Be Careful With My Heart. Nakita namin si Sarah sa opisina ng U.R. kahapon para sa curing ng kanilang kanta. Ayon kay Sarah, matagal na raw nilang dream ni Christian na makapag-duet sa isang album. Aminado si Sarah na hindi nila ito magawa dahil bukod sa pareho silang busy, magkaiba rin ang recording label nila. Ngayon daw na nagkaroon ng pagkakataon, siya raw mismo ang personal na nagsabi kay Boss Vic del Rosario na matagal na nga nilang gustong gawin 'yun ni Christian at talagang gusto niyang makapag-collaborate with Christian sa isang kanta. Bakit ba mukhang malakas si Christian sa kanya, na isang hiritan lang ay 'bumigay' siya agad na maka-duet nito? “Siyempre naman, si Christian Bautista yata 'yun! At saka, malakas din naman ako sa kanya! Ha! Ha! Ha!” sabi lang ni Sarah. Source: Abante |