Nov 22
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Sarah, kinakantyawan dahil walang teleserye!

Author: Alfie Lorenzo
Column: Star Nga Ba?

KINAKANTYAWAN si Sarah Geronimo na kaya raw 'di na binigyan ng Dos ng teleserye uli ay dahil sa nag-flop daw ang una niyang ginawa.

Excuse me, po!

Singer si Sarah at tulad ni Sharon ay hindi pinayagan ng Viva films na mapanood ito araw-araw para 'di pagsawaan. Hindi nga naman nag-teleserye si Sharon at pinokus ng Viva ang atensyon kay Sharon sa pagkanta niya, mga concerts at pelikula - pa­wang may bayad, unlike sa TV na libre panoorin lang!

Gary V. and Martin Nievera focused on their singing kaya until now kumakanta pa rin. They were never box-office stars kaya 'di na nagpelikula pa.

Look at may papa P­iolo, Mondays to Fridays nagdadrama ng libre at 'pag Sunday kuma­kanta rin ng libre sa TV. Kaya bakit ka pa magbabayad kung magku-concert ito tulad ng daily concert ni Willie Revillame sa “Wowoweee”, ano ang pinupuntahan ng mga studio audience? The chance to see themselves on TV too.

Nagkakaroon na naman ng overexposure ang mga lalaking flavor of the month ng mga baklang executives, huh! May sawa factor din 'yan na malapit nang dumapo sa mga mapapalad. Hindi bale, may masusungkit naman uli sa PBB in Tom at may mga mapipirata pa next year na mga talents ng ibang network na matatapos ang mga kontrata.

Kung hindi ka rito - doon ka! Ganoon lang ang skipping rope, jumping rope.

Source: Abante