|
|
| Sarah, kinikilig sa apat na boys![]() Author: Dondon Sermino Ngayon pa lang, tila kinikilig na si Sarah Geronimo sa line up ng mga guest niya sa concert niyang Record Breaker, na gaganapin sa Nov. 7 sa Araneta Coliseum. Eh kasi naman, pinagsama-sama ba naman ang mga lalaking malapit sa kanya, sina Billy Crawford, Luis Manzano, Vhong Navarro at Christian Bautista. At bukod sa apat, guest din niya ang international singing sensation na si Charlie Green. Kuwento ni Sarah, pinaghahandaan niya nang husto ang showdown niya kina Billy, Luis, Christian at Vhong. “Nakaka-excite talaga,” say pa ni Sarah na tila kilig na kilig. Pare-parehong close nga ang apat kay Sarah. Si Billy ay madalas niyang kasama sa mga concert tour abroad?at pati na sa katatapos niyang provincial tour. Super friends naman sila ni Luis, na makaka-partner din niya sa next movie niya. Si Christian ay suki rin ni Sarah sa mga shows niya dito sa Pinas at sa ibang bansa. At si Vhong, idol ni Sarah sa pagsasayaw. Sabi nga ni Sarah, type niyang makipagpatalbugan sa apat sa stage. “Sana kayanin kong makipag-showdown sa kanila!” Bilib na bilib naman si Sarah kay Charlie Green, na nakilala sa Britain's Got Talent 2008. “Bagets pa siya, pero ang galing na niyang kumanta. Imagine nakapag-perform na siya sa Royal Opera House,” pahayag ni Sarah. Anyway, sobrang special nga ang concert na ito kay Sarah, dahil siya mismo ay nakikipag-meeting sa production staff, at pati na kay direk Rico Gutierrez. “We will make her another Celine Dion,” sabi ni direk Rico. Si Louie Ocampo nga pala ang musical director ng concert ni Sarah. Speaking of Billy at Luis, sila nga ang napiling mag-host Pilipinas Got Talent, sa ABS CBN 2. “Magiging kuya kami ng mga contestants dito. Hindi tulad ng nakaraan naming hosting stints, mas malapit kami dito sa mga contestants. Kikilalanin namin sila talaga at aalamin ang kwento ng buhay nila na siyang dapat abangan ng mga manonood,” sabi ni Billy. Sina Luis at Billy ang magiging counterpart nina Ant at Dec ng Britain. Gagamitin nila ang kanilang karisma sa paggabay sa mga contestants sa kanilang buong paglalakbay sa kumpetisyon. “Excited na ako sa PGT lalo pa at kasama ko si Billy na madalas kong kasama sa ASAP bilang Kanto Boys. Abangan niyo ang magiging kulitan at hiritan namin sa show,” sabi naman ni Luis. Ang Pilipinas Got Talent ay magbibigay ng pagkakataon sa mga Pinoy na ipamalas ang kanilang husay at galing sa anumang larangan. Sina Madonna Decena at Charlie Green ay naging semi-finalist sa Britain's Got Talent. Sa mga gustong sumali, may auditions sa Lyceum of the Philippines sa Batangas sa Nov. 6, 7, at 8. Sa Cebu sa Nov. 11, 12, at 13. Sa Baguio sa Nov. 19, 20, at 21. Sa Cagayan De Oro sa Nov. 25, 26, at 27. Sa Davao sa Nov. 30, Dec. 1 at 2 at sa Manila sa Dec 5, 6, 12, at 13. Source: Abante |