Nov 24
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Sarah, kinukulit ni Rayver sa text

Author: Nitz Miralles

Pumirma na ng kontrata si Sarah Geronimo bilang bagong endorser ng Careline Cosmetics ng Ever Bilena at dahil hanggang August this year pa ang kontrata ni Toni Gonzaga, dalawa muna silang magiging endorser nito.

Kinuha si Sarah dahil siya ang hottest star ngayon, with good character at madaling kausap si Mr. Vic del Rosario.

Hindi sinabi ng owner ng Careline kung magkano ang talent fee ni Sarah, pero sa mga sagot ng may-ari, tinatapatan lang nila ang popularity ni Sarah.

Sabi pa nga nito, "ang kasikatan ay may katapat na kamahalan. " May mall tour, billboard at print ad na lalabas to announce na si Sarah na ang endorser ng Careline.

Galing sa shooting ng You Changed My Life si Sarah na may February 25 playdate. Tinukso siya ng press na mas kilig siguro ang shooting nila ni John Lloyd Cruz dahil kasama niya si Rayver Cruz.

Natuwa si Sarah sa nalamang gustong makipag-close sa kanya si Rayver, wala raw masama kung makikilala nila ang isa't isa ng husto.

In-love ba siya?

"Basta masaya at inspired ako, meron akong inspiration at masaya ako sa nangyayari sa buhay ko everyday. "

Kumusta sila ni Rayver?

"Okay naman, mas comfortable kami ngayon at 'pag nagkikita kami sa ASAP, hindi na ako ilang sa kanya, nagbibiruan na kami at hinahampas ko siya sa braso. Natitingnan ko na rin siya straight sa eyes. Si Rayver, sa text makulit, pero sa personal mahiyain. "

Natawa ang press sa sagot ni Sarah na itatanong niya sa parents niya kung sakaling yayain siyang lumabas ni Rayver sa Valentine's Day. Hindi raw masama kung sasamahan siya ng ina sa paglabas nila ng young actor. Tinanong nito ang press kung ano ang ginagawa sa date?

* * *

Balik-GMA-7 si Angelu de Leon sa Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang after three years. Masaya't excited siya lalo't natupad ang dream niyang makapareha si Dingdong Dantes.

Ipinagdasal daw niyang mapasama siya sa bagong soap nina Dingdong at Marian Rivera at pinaghandaan niya ang role ni Helen. Binago niya ang hairdo at nagpapayat para ibang Angelu ang mapanood ng tao sa soap na magpa-pilot na bukas.

Kontrabida ang role rito ni Angelu at alam niyang sobra siyang kamumuhian ng fans nina Marian at Dingdong.

"Puwede akong magkaroon ng death threats sa gagawin ko kay Marian. Hindi ako puwedeng rumampa dahil maraming fans ang magagalit sa akin. But I'm prepared, friends kami nina Marian at Dingdong at happy ako to be working with Channel 7 again," sabi ni Angelu.

Ikinuwento ni Angelu na nagtawanan sila ni Dingdong sa kissing scene nila dahil nang tingnan niya ito, nakita niya ang dating ayos ng buhok nito na hati sa gitna at feeling daw niya, she's too old for the actor, pero one year lang ang age gap nila.

* * *

Love namin ang Star Magic talent na si Celine Lim dahul gaya namin, mahilig magbasa ng libro ang 10-year-old child actress na nag-birthday last January 10. Nang ma-interview namin, hawak nito ang librong The Chronicle of Narnia na katatapos lang niyang basahin.

Naawa kami sa bagets dahil gustong basahin ang Twilight, New Moon, Eclipse at Breaking Dawn ni Stephenie Meyer, pero wala siyang makita. Ayun, itinuro namin sa Fully Book sa Gateway dahil the last time we were there, maraming copies ng books at excited ito. Four years old pa lang nang magsimulang mag-basa si Celine dahil gusto ng mom niya na nag-babasa siya at favorite author niya ang sumulat ng Little Prince.

Naging young Kim Chiu si Celine sa Tayong Dalawa at gumanap na rin siyang young Anne Curtis at young Bea Alonzo.

* * *

page 14

Source: People's Tonight