|
|
| Sarah, muntik mapahamak sa batchoy! Rhian, dinidedma si Marian![]() Author: Jun Nardo MUNTIK nang malagay sa alanganin o mapahamak si Sarah Geronimo nang kumain ito ng batchoy sa isang kilalang restoran sa Iloilo City. Eh kaso, katapat ng resto na 'yon ang food chain na iniendorso ni Sarah. Wala sanang hassle 'yon kay Sarah, pero meron din palang batchoy na ibinibenta ang food chain na 'yon doon, huh! Ang nataranta ay ang fans na Ilonggo ni Sarah na nakakitang kumakain ng batchoy sa katapat na food chain. Hindi man lang daw kasi naging maingat ang mga taong malapit sa singer-actress, huh! Depensa naman daw ang mga nakapaligid kay Sarah, malay raw ba nilang merong sini-serve na batchoy sa food chain, dahil sa branches nito Maynila ay wala naman daw batchoy, huh! At saka, burger naman daw ang kinakain ni Sarah sa commercial at hindi batchoy, huh! Ha! Ha! Ha!*** Ipinatanggol ni Dingdong Dantes ang dyowang si Marian Rivera nang magpahayag itong hindi niya kilala si Rhian Ramos na leading lady ng aktor sa ipalalabas na Stairway to Heaven. Ayon kasi sa isang taong malapit kay Marian, dinidedma raw siya ni Rhian kapag nagkakasama sila sa isang showbiz function. Itinatwa naman ito ng kampo ni Rhian, huh! Siyempre, hindi maiiwasang magamit si Marian sa publicity ng STH. Hot item kasi sila ni Dong kaya kung sa publicity ng bagong GMA series ay mangibabaw ang Marian-Dingdong affair, hindi maiiwasan 'yon lalo na at lesser star na masasabi si Rhian kung ikukumpara kay Marian, huh! Kaya naman ngayong nasindihan ang mitsa kina Marian at Rhian (mabuti na lang at may letter “h” sa name niya, huh!), asahan ang pagsiklab nilang dalawa! Yehey! It's Marian versus Rhian (over Dingdong?) naman ang aabangan ng mga tsismosa at intrigera sa showbiz! Ha! Ha! Ha! Naku, tiyak na peanuts lay si Rhian kay Darna! Source: Abante |