Aug 30
HomeLoginBrowseNewsTV ScheduleStatisticsPreferenceHelpMessage Board

Sarah, nai-excite kay John Lloyd

Tapos na ang matagal na paghihintay ng fans ni Sarah Geronimo. Last Thursday, nag-first shooting day na si Sarah para sa launching movie niya, ka-partner si John Lloyd Cruz. Co-production venture ito ng Star Cinema at Viva Films. Maraming beses nang...

 

Sarah, nai-excite kay John Lloyd

Author: People's Tonight

Tapos na ang matagal na paghihintay ng fans ni Sarah Geronimo.

Last Thursday, nag-first shooting day na si Sarah para sa launching movie niya, ka-partner si John Lloyd Cruz.

Co-production venture ito ng Star Cinema at Viva Films.

Maraming beses nang naudlot ang nasabing pelikula dahil sa sobrang hectic ng schedule ng singer-actress.

In demand kasi si Sarah at madalas siyang i-request ng mga Pinoy sa Amerika at Canada.

Naging abala rin siya sa kabi-kabilang endorsement.

Kaya para lang matuloy ang launching movie, maraming shows ang tinanggihan ng tumatayong manager ni Sarah, si Vic del Rosario.

"Na-excite po ako nang malaman kong tuloy na ang pelikula namin ni John Lloyd. Matagal ko pong hinintay ang project na ito," masayang sabi ni Sarah, na obvious na obvious na excited makapareha si John Lloyd.

Si Direk Cathy Molina ang nagha-handle ng movie na pina-finalize pa ang title.

Bukod dito, nakipag-duet din si Sarah sa Backstreet Boy member na si Howie Dorough sa Los Angeles.

I'll be There ang title ng kanta na kasama sa ginagawang album ng Pop Princess for release sa July, kasabay ng kanyang birthday.

Kadarating nga lang pala ni Sarah kasama ang iba pang Champions mula sa U. S. at Canada, kung saan halos isang buwan din silang naglibot.

Sarah also recently swept the MYX Music Awards, where she won four trophies: Favorite Song for Ikaw, Favorite Artist, Favorite Female Artist and Favorite MYX Celebrity VJ.

"Sunud-sunod po ang blessings ko. Sobrang thankful at grateful ako sa mga nangyayari sa career ko," sabi ni Sarah, na idinaraan na lang sa pagdarasal ang pasasalamat sa mga biyayang ipinagkakaloob sa kanya.

Thankful din ang singer-actress na tapos na ang bahay na ipinatatayo para sa buong pamilya. Dream house niya raw ito.

Pinag-ipunan ni Sarah ang nasabing bahay. Kaya naman ang lahat ng makakita rito'y napapa-wow. Iilan lang kasi ang tulad niyang bagets na priority ang pamilya kesa sa shopping o anumang luho sa sarili.

Source: People's Tonight