Mar 19
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Sarah nawala sa sarili

Author: Chan-Chan Torres
Column: Eksenadora

Mukhang hindi nga kami nagkakamali sa aming hula, huh.

Si Rayver Cruz nga kaya ang masuwerteng lalaki na inspirasyon ni Sarah Geronimo?

Babalikan lang namin ang isyung kilig-kiligan na ito nu'ng Linggo sa The Buzz. Doon ay nakipaghulaan din ang hosts na sina Cristy Fermin at Ruffa Gutierrez sa Popstar Princess kung sino ang lalaking nagbi-bigay ng kulay ngayon sa buhay niya.

Agad natumbok ni Ti-ta Cristy ang ilan sa mga clue na binigay ni Sarah, si Rayver Cruz nga kaya?

Magaling sumayaw, kumanta at umaarte.

Say pa ni Sarah:"I see him every Sunday. "

'Yun na! Nag-blush na si Sarah at tila hindi na makapagsalita.

Kitang-kita ang kaka-ibang glow sa mga mata ni Sarah habang inuusisa si Rayver sa kanya.

Hala, hindi makapagsali- ta ang dalaga. Hindi pa na-min nakitang ganu'n si Sarah, na tipong nagba-blush. Ang cute ni-yang tingnan.

Ipinapakita pa sa kanya ni Boy Abunda ang naka-topless na larawan ni Rayver on cam. Kaya lalong nawawala ang concentration ni Sarah.

"Hindi ko alam, maganda pala ang kata-wan ni Rayver!"

Ito na lang ang nasambit ni Sarah. Na pa-rang namimilipit sa hiya at kilig na hindi maintindihan.

Ngayon ay alam na na-min kung bakit ganoon ka-epektibbo si Sarah sa pagganap sa mga ka-rakter niya bilang ba-gets na in love sa peli-kula't telebisyon.

Aba, bongga pala ang taglay na inspiras-yong dulot ni Rayver, huh.

Teka, ano naman ka-ya ang masasabi ng binata tungkol dito? Hmmn, bagay sila, 'di ba?

Wala namang ka-loveteam ngayon si Rayver, puwedeng-puwede silang magtambal kahit sa sa ilang shows ng Dos, 'di ba?

Magtu-twenty years old na si Sarah. Si-guro naman ay papayagan na siya ng mother na magka-crush o mag-karoon ng inspirasyon, lalo pa't isang katulad ni Rayver na mabait, ta-lented at guwapo.

Aba, sino naman ang kukontra?

Source: Taliba