Mar 19
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Sarah, respetado ng Pinoy!

Sarah, respetado ng Pinoy!

Author: Ruel Mendoza

Hindi na maitago ni Sarah Geronimo ang sobrang excitement sa nala­lapit niyang concert, ang Sarah The Next One, sa Nov. 08 sa Araneta Coliseum.
Sabi nga, gustung-gusto na ni Sarah na kantahan ang kanyang mga fans. At excited na siyang kantahin ang mga kanta niya mula sa album niyang Just Me.

Ang taas-taas na nga ng naabot ni Sarah.

Hindi na mabilang ang mga music awards niya, kasama na ang pagkakaroon ng gold at platinum para sa kanyang mga CDs.

May citation din siya mula sa People Asia Magazine, at nandiyan pa ang PLDT Plaque of Recognition niya.

Nalibot na rin ni Sarah ang buong mundo para kantahan ang mga nalulungkot na Pinoy.

Mataas nga ang pagtingin ng mga Pinoy kay Sarah. Isa nga siyang role model at respetado talaga siya.

Kaya naman, halos lahat ng mga sikat na produkto ay gusto siyang maging endorser.

Ilan sa mga ini-endorse niya ngayon ay ang Jollibee, Smart, Charmee, at Talk n' Text.

Sabi ni Sarah, espesyal ang The Next One concert niya para sa kanya.

Nagbibigay siya ng mga ideya para mas mapaganda ang concert.

Alam ni Sarah na may mga paboritong kanta ang mga fans niya na dapat niyang kantahin sa concert niyang `yon.

Umaasa si Sarah na mas magiging maganda ang kapalaran niya sa susunod na taon. Sabi nga niya, sana ay magpatuloy ang magagandang blessings sa kanyang career.

Ang The Next One ay prodyus ng Viva Concerts and Events with Louie Ocampo as musical director.

Source: Abante