Mar 13
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Sasabihin ko po sa mama ko, sa pamilya ko na buntis ako -- Erich Gonzales

Author: Gerry Ocampo
Column: Go

KAHIT anong mangyari ay hindi raw magagawa ni Erich Gonzales na magpalaglag.

'Yan ay kung saka-ling mabubuntis daw siya nang wala sa panahon.

"Sasabihin ko po sa mama ko, sa pamilya ko na buntis ako. Kasi po naniniwala ako na anuman ang mangyari, ang pamilya pa rin ang ka-kampi at tutulong sa`yo," say ni Erich. Pasubali niya, naka-concentrate daw siya sa kanyang showbiz career kaya malabong mangya-ring mabuntis or kahit ma-kipag-boyfriend siya ngayon.

* * *

PINAGSELOSAN daw ni Richard Gu-tierrez si Piolo Pascual kaya kinausap ng una si KC Concepcion para tanungin ang dalaga ni Megastar Sharon Cuneta kung nanliligaw ba si Piolo sa kanya.

"Minsan tinanong niya (Chard) kung nanliligaw ba si Piolo Pascual sa akin. Sabi ko hindi," say ni KC.

Pero, may communication pa ba silang dalawa ni Chard magmula nang magsama sila sa pelikula?

Wala na raw. Pero sina Ruffa at Raymond (Gu-tierrez) ang madalas ni-yang ka-text. Nang ma-aksidente raw si Chard ay nasa U. S. concert siya with her Mom Megastar Shawie, pero nakarating daw sa kanya kaagad ang balita.

"Nang malaman ko ang aksidente, nasa Las Vegas kami. Nanginig ako at dalawang araw na hindi nakatulog. Na-trauma po ako sa nangyari kay Chard," say ni KC.

Labis na ikinalungkot ni KC ang pagkamatay ng PA ni Chard na si No-mar Pardo dahil kilala raw niya ito since matagal silang nagkasama ng actor sa shooting ng kanilang pinagsamahang pelikula noon.

* * *

MAHIGPIT ang magi-ging laban ng tatlong female finalist ng Are You The Next Big Star na sina Francesca Farr, Camile Cortez at Zyrene Parsad.

Limang kanta na mag-kakaiba ang genre ang ka-nilang inihanda, tulad ng rock, pop, ballad, RNB at pambirit na pagpipilian sa kanilang final performance. Matindi pero lahat ay nagkakaisang nag-sabi na kakayanin at gaga-win ang lahat ng nalalaman para makamit ang pinakamimithing panalo na bukod sa karangalan ay malaking premyo na mauuwi ng tatanghaling The Next Big Star.

Karamihan ng mga nakakausap naming sumusubaybay sa contest, nagsasabing malaki ang chance ni Francesca Farr na manalo. Bukod kasi sa matangkad at pormang modelo, mala-diva rin ang dating niya.

May 'K' siyang singer dahil kahit anong genre ang kantahin ay kayang-kaya niya. Natatandaan namin nang unang ipaki-lala sa press ang finalists ng Are You The Next Big Star, malakas na ang da-ting sa amin ni Francesca. Sa umpisa pa lang ay ti-nanong na namin siya kung sino para sa kanya ang magiging mahigpit ni-yang makakalaban. Sabi ni Francesca, itinuturing niyang biggest threat ay si Camille Cortez na jazz, rock, soul at RNB ang forte tulad nina Alicia Keys at Natalie Cole.

Pero gagawin daw niya ang lahat para patunayan na may 'K' siyang tang-haling The Next Big Star sa final day ng AYTNBS sa Agosto 23. * * *

KATUWANG na ipinakita ng daddies actor na sina William Martinez, Rey PJ Avellana at Matt Ranilo ang kanilang husay sa pagsasayaw sa The Sweet Life QTV 11 ngayong Lu-nes.

Si William, ipinakita ang husay sa pagsayaw ng swing. PJ, does reggae, samantalang si Matt ay nagpakita ng husay sa pagsayaw ng boogie. Huhusgahan ng TSL audience kung sino sa tatlo ang pinakamagaling su-mayaw.

Source: Taliba