|
|
| 'Secured & guarded'Author: Vinia Vivar Muli na namang nahaharap si OMB (Optical Media Board) Chairman Edu Manzano sa gitna ng kontro-bersiya. Siya umano ang sinisisi ng PASG or Presidential Anti-Smuggling Group sa pagkawala ng video copiers na nagka-kahalaga ng P60M na kamakailan ay nakumpiska sa isang raid na isinagawa sa isang bahay sa Quezon City. As mandated by Optical Media Act, ang OMB raw ang authorized sa custody ng mga machines na ito at ayon sa PASG sa ilalim ng pamumuno ni Chief Antonio Villar, ang mga nasabing makinarya ay na-turn-over na sa OMB. Pero nagpadala na ng paglilinaw ang kampo ni Chairman Manzano at may dalawa silang witnesses para pabulaanan ang akusasyon partikular na ang sinasabing nasa posisyon nila ang makinarya. Ang dalawang witnesses ay sina Pepe Montes Belarmino, isang security guard at ang village head na si Nestor Berroya of San Antonio, Quezon City. Nagsumite na ng affidavit ang dalawa kung saan ay nakasaad kung ano ang nakita nila noong June 16, na sinasabing petsa ng raid. Ayon umano kay Berroya, hindi naman daw nag-pakilalang taga-OMB ang mga kumuha ng items sa raid. Ayon naman kay Belarmino, nakita raw niya ang mga 10 kalalakihan na nagsasakay ng malalaki at maliit na items sa isang sasakyan. Sinabi rin ni Belarmino na nakakita siya ng uniformed policemen sa grupo. May report nang nakasumite sa korte kung saan ay nakasaad na ang mga nakumpiskang items ay "secured and guarded by PASG-PNP components". As Malaya columnist Ducky Paredes said, "If this were a fairy tale, Villar's nose would have become as long as Pinnochio's. " * * * Ikinagulat ng marami and paglitaw ng karakter ni Venus sa afternoon series ng Dos na Kambal sa Uma. At sa patuloy na pamumukadkad ng kuwento, ang galit ni Celeste (Gina Alajar) ay nagbigay sa kanya ng dahilan para gamitin si Vira (Shaina Magdayao) sa kanyang mga masasamang plano laban kay Venus (Melissa Ricks). Ngayong linggong ito, susubukan ni Leon (Jordan Herrera) na kidnapin si Venus ngunit hindi siya magtatagumpay dahil ililigtas ito ni Gab (Matt Evans). Bilang pasasalamat, yayayain ni Venus si Gab upang mag-dinner. Subalit isang newly reformed Gab naman ang mag-uumpisang magtrabaho sa cosmetics company ni Celeste. Habang patuloy na sinusubukan ni Celeste patunayan na si Venus ay si Ella, magsasagawa ito ng DNA test mula sa mga samples na galing kay Vira at Venus. Ngunit mag-iiba ang results dahil papalitan ni Vira ang mga detalye para mailigtas si Venus, kaya naman nang ilalantad ni Celeste ang resulta, mapapahiya ito na lalong magpapaliyab ng galit niya. Samantala, malalaman na ni Venus ang bunga ng kanyang bagong anyo -- na hindi niya maaaring makasama ang kanyang mga mahal sa buhay. * * * In fairness, naaaliw kami sa The Wedding na pinagbibidahan nina Anne Curtis, Zanjoe Marudo at Derek Ramsay. May pagka-comedy ang dating ng serye at matatawa ka sa natural na acting ng cast. Ang mas nakakatuwa sa serye ay ang karakter nina Michael de Mesa at Eula Valdez na nagtagumpay na magparamdam ng kilig sa audience kahit pa sabihing hindi na sila teen-agers. Naaliw kami sa eksena last Friday kung saan ay nasa gitna sila ng kalye na ang ending ay nagkasumbatan. In fairness, may kilig factor ang naturang eksena. Bigla tuloy naming naisip ang ex-wife niyang si Gina Alajar. Dapat siguro'y bigyan din sila ng project together na may hawig sa karakter nina Michael at Eula sa The Wedding. Mas panalo siguro since dati nga silang mag-asawa. Source: People's Tonight |