Nov 24
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Seksing Angel Locsin mas gustong mapanood ng male fans

Seksing Angel Locsin mas gustong mapanood ng male fans

Author: Joey Sarmiento
Column: Watsup

After ng Lobo at matapos magwagi ni Angel Locsin ng Best Actressin a Single Performance sa nakaraang Star Awards for TV, sa wakas, nagkaroon na ng follow-up ang kanyang teleserye via Only You.

Two weeks ago ay nagkaroon ng audition para sa mga supporting players ng Only You at sa bilis ng panahon ay naka-schedule na pala this week ang presscon nito.

So bilis, huh!

Sigurado, magbu-bunyi na naman ang supporters ni Angel dahil babalik na naman siya sa TV.

We just wonder kung magpapa-sexy din ba si Angel dito gaya ng mga ginawa niya sa Lobo?

Kasi, sa totoo lang, maraming male fans ni Angel ang nag-e-expect na mas seksi sana siya kapag lumalabas siya sa TV.

Walang biro...

* * *

With Louise Bolton ng Sex Bomb, feeling namin ay mayroon na namang bagong Gladys Reyes in the making.

Kasi ba naman, as of now, ay medyo nata-type cast na si Louise sa kontrabida roles.

Bukod doon ay very effective ang hitad dahil inis na inis sa kanya ang viewers ng "Tarzariray" nu'ng panahong ina-api-api niya si Rochelle Pa-ngilinan.

Sa bagong season ng Daisy Siete na "Kambalilong" ay isa na namang kontrabida ang kanyang role.

Siya ang gaganap na isa sa mga mang-aapi sa magkapatid na mala-kamatis ang mga ilong na sina Jopay Paguia at Sunshine.

Kung sakali, isa na naman si Louise sa mga magagandang kontrabida sa TV, Kuya Butch.

Ilang beses na rin naming na-interview si Louise.

At pramis, siguradong magkaka-crush ka sa kanya, Kuya Butch.

* * *

True ba ang nabalitaan namin na sad ngayon ang mga taong namamahala sa The Binay Movie?

Bukod daw kasi na hindi masyadong impressive ang production nito ay hindi pa binili ng GMA-7 ang TV rights ng pelikula.

Na as of press time ay naghahanap ng padrino ang executives na bumuo ng The Binay Movie sa GMA-7 para i-consider daw ni Mr. Abacan ang nasabing movie?

Na hindi raw happy si Mayor Jejomar Binay sa kinalabasan ng pelikula at sa mga nangyayari sa production ngayon?

Na nag-e-expect daw ng P2M para sa TV rights ang mga taga-production para sa movie ni Mayor Binay?

Hay, naku!

Bakit nagkaganu'n?

Ano ang nangyari Direk Cyril and Elizabeth?

* * *

SINA Jake Cuenca at Valerie Concepcion ang leading endorsers ng Calcium Cee, according sa PR girl na si Mayeth Acuna, na dating taga-Metathione.

No wonder, laging on-the-go ang dalawa at hindi nauubusan ng energy kahit na kaliwa't kanan ang mga raket na kanilang inaasikaso.

Ang resulta, parang gripo ng tubig ang daloy ng kadatungan sa kabang yaman ng dalawa.

Yes, 'yan ay dahil sa Calcium Cee, 'di ba Mayeth?

Non-acidic and non-sodium ang Calcium Cee kaya naman bagay na bagay ito sa mga artista na madalas nalilipasan ng gutom dahil siguradong wala itong side effect.

Pati na raw ang diabetes at cancer ay nape-prevent sa pag-inom ng Calcium Cee, Kuya Butch.

Kaya siguradong bibigyan kita ng sample, Kuya Butch, kapag nagkita kami ni Mayeth at para patunayan na effective talaga ito.

* * *

For reactions,please e mail media-touch2000-@yahoo. com

Source: Taliba