|
|
| Selosang actress-GF, ipinagtanggol ng sikat na aktorAuthor: Nitz Miralles Ipinagtanggol ng sikat na actor ang "hindi ko siya kilala" comment ng kanyang actress-girlfriend sa kapareha niya sa bagong soap. Wala raw masamang ibig sabihin ang GF at totoo namang 'di personal na magkakilala ang GF at leading lady at nagkikita lang sa functions ng network kung saan sila parehong naka-kontrata at sa mga guesting, pero 'di nakakapag-usap. Kaya nakapag-comment ng ganu'n ang actress-GF ng actor dahil biniro ng press kung 'di ba niya pagseselosan ang bagong leading lady ng BF. Sigurado naman ang actor na 'di nila pag-aawayan ng GF ang bagong kaparehang young actress dahil magta-trabaho lang daw siya. Abangan natin kung 'di nga magseselos ang actress-GF ng actor 'pag sinimulan na ang promo ng soap ng actor at ng bagong kapareha. Aminado pa naman ang actress-GF na selosa siya. * * * Panay na ang pakita ng teaser ng Stairway to Heaven, hudyat na malapit nang umere ang Pinoy adaptation ng well-loved Koreanovela. Kilala na natin ang main cast kabilang sina Dingdong Dantes, Rhian Ramos, Glaiza de Castro, at TJ Trinidad. Kilalanin natin ang child stars na gaganap sa young Cholo at young Jodi. Sila'y sina Joshua Dionisio at Barbara Forteza. Si Jake Vargas ang batang Tristan at si Joann Marie Tan ang young Eunice. Mahusay umarte ang mga bagets at may eksenang hindi nagpatalo si Barbara kay Jean Garcia na humanga sa pagka-propesyonal ng bata dahil okey lang kung nasaktan siya. * * * Sumama sa isang medical mission ng Joosarang Church ang GMA Artist Center talents na sina Vaness del Moral, Dion Ignacio, Jan Manual, Patani at Stef Prescott. Sa Angeles City ginawa ang medical mission kasama ang 55 Korean volunteers na kinabibilangan ng three doctors, sa pangunguna ni Lee Jong Taek, four dentists, at eight nurses. Tumulong ang GMAAC talents sa distribution of more than P4-million worth of medicines. Ayon sa leader ng Joosarang Church na si Andi Kim, pinili nila ang Pilipinas dahil malapit sa puso ng Koreano ang mga Pinoy at bilang pasasalamat sa tulong ng Filipino soldiers sa Korean war. * * * NGAYONG Friday sa Adik Sa 'Yo, masaya ang pamilya ni Ruben (Dennis Trillo) na nagkabalikan sila ni Karen (Jennica Garcia). Si Camille (Pauleen Luna) ay nakabalik sa Sex Bomb. Hindi pa rin mapatawad ni Carlos (Marvin Agustin) si Joana (Jolina Magdangal) at ipagtatabuyan. Ayos na sina Ruben at Stella (Beth Oropesa) at pinatawad na ni Stella si Luigi (Joey Marquez). Aalukin na ng kasal ni Ruben si Karen, ang kaso, 'di nila alam, balak silang paghiwalayin ni Liza (Chynna Ortaleza). Source: People's Tonight |