Nov 23
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Semana Santa ng mga artista

Semana Santa ng mga artista

Author: Gerry Ocampo
Column: Hot Shots

NAKATSIKAHAN namin si Joko Diaz sa Baliwag Grill last Saturday at nagulat kami sa laki ng ipinagbago ng actor.

Hindi na siya ang dating mainitin ang ulo kapag ang topic na pag-uusapan ay tungkol sa karelasyong actress.

Ayon sa actor, bago sila nagkaroon ng relasyon ni Angelu de Leon at nagkaanak ng babae, si Nicole, eight years old, nagkaroon din siya ng relasyon kay Apples Arizabal at may anak silang lalaki.

Ang pagkakaiba lang ng naging relasyon ni Joko kina Apples at Angelu ay wala siyang communication sa anak sa una unlike kay Angelu.

Year 2000 ang huling pelikula ginawa ni Joko kasama si Raymart Santiago. Hindi na ito nasundan, kaya nagdesisyon siyang pumunta sa Tate para magtrabaho.

Pero, hindi rin siya nagtagal doon at agad na umuwi para makapiling ang babaing pinakasalan, si Abigail Alcaraz, isang flight stewardess ng Northwest Airlines. Meron silang three-year-old na anak, si Priscilla Ashley Diaz.

Hinahanap daw ng katawan ni Joko ang pag-aartista, kaya siya bumalik. Kahit anong role, handa siyang tanggapin, makabalik lang sa local showbiz.

"Nag-mature na ako. Thirty-one years old na ako at nalampasan ko na ang edad ng pagiging mapusok. Sana mabigyan ako uli ng pagkakataong makabalik," say pa ng actor, na medyo tumaba, pero naroon pa rin ang dating karisma at kakisigan.
* * *
MAHAL na Araw na. Narito ang pahayag ng ilang artistang inusisa namin kung nagagawa pa ba nilang magnilay-nilay tuwing sumasapit ang Semana Santa.

Marian Rivera: "Hindi ko na siguro magagawa ang dati kong ginagawa na tuwing sasapit ang Mahal na Araw, nasa simbahan kaming pamilya.

"Busy na ako ngayon. Alam kong mauunawaan ni Lord kung bakit hindi ko muna magagampanan ang mga dati kong ginagawa para sa Kanya. "

Kim Chui: "Kahit po half-Chinese ako, nagninilay-nilay kaming mag-anak tuwing Mahal na Araw. Nag-aral po kasi ako sa isang Catholic school, kaya aware ako sa Semana Santa.

"Pero ngayon, hindi ko na masyadong maharap ang tungkol diyan dahil sa pagiging sobrang busy sa trabaho. "

Ruffa Gutierrez: "Ise-celebrate ko ang mga importanteng araw na 'yan sa mga anak ko. Dahil busy ako sa araw-araw na gawaing pang-showbiz, aalagaan ko na lang ang mga anak ko.

"Ito rin ang time para mag-bonding kami. Kawawa naman sila, wala na ngang ama. .. this time, ako ang mag-aalaga sa kanila.

"But definitely, magsisimba muna kami sa Easter Sunday at pagkatapos, balik-trabaho sa The Buzz ang beauty ko. "

Richard Gutierrez: "Tuloy ang taping ko for Kamandag kaya malabong makapagbakasyon ako sa Mahal na Araw.

"Dito na lang siguro ako sa condo ko, matutulog para may lakas pang mag-work uli pagkatapos ng Holy Week. "

Valerie Concepcion: "Kung aligaga ang iba sa pagbabakasyon, ako, dito lang sa bahay para alagaan ang anak kong si Heather (Fiona).

"Makikinig na lang ako sa radio at manonood ng TV saka magdarasal. "

Source: People's Tonight