|
|
| Sen. Bong Revilla naghahanda na para sa bagong pelikulaAuthor: Noel Asiñas PINAGHAHANDAAN na ni Sen. Bong Revilla ang gagawin niyang bagong pelikula. Hindi lang namin alam kung alin ang uunahin niya, ang sa Star Cinema o 'yong sa GMA Films. Anyway, ngayong hapon ay mapapanood na naman natin si Bong bilang host ng Kap's Amazing Stories na talaga namang mahirap bitiwan kapag pina-nonood mo na. Kasi mara-ming kamangha-manghang revelation ang mapapanood tungkol sa hayop, kulisap at pati na rin sa mga tao. * * * MASARAP abangan ang SOP ngayong Linggo ng tanghali dahil ipagtatapat na ni Dingdong Dantes ang kanyang 'lihim' na tinatawag niyang "you're the one. " Anyway, aminado si Dingdong na kung may ipapalit siya kay Karylle nga-yon bilang bagong pag-ibig, ito ay nasa paligid-ligid lang niya. Si Marian Rivera na nga kaya talaga ito na na leading lady niya sa pinaka-bagong soap ng GMA-7 titled Ang Babaeng Hinugot sa Aking Tadyang. Anyway, mapapanood pa rin sa SOP ngayong Sunday ang birthday celebration nina Katrina Halili at Keempee de Leon. Siyempre, hindi mawawala sa tabi ni Katrina ang kanyang love ngayong si Kris Lawrence. Sadya yatang timing ang pagkaka-involve ni Katrina kay Kris. At least, kahit kung anu-ano ang pinagsa-sabi ni Dr. Hayden Kho sa nakaraan nila ni Katrina, hindi apektado si Kris. Mahal niya talaga si Katrina. * * * MULA sa letter sender na itatago sa pangalang Eric, tatalakayin nina Marvin at Jolina ang issue ng sexuality nga-yong hapon sa Dear Friend pagkatapos ng SOP. Matagal nang itinatago ni Eric ang tunay niyang pag-katao mula sa girlfriend na si Valerie. Nang dumating ang pinsan ni Valerie na si Jeremy, isang tunay na gay, hindi inaasahang mahuhulog dito ang loob ni Eric. Magkakaroon ng lihim na relasyon ang dalawa. Pero hindi magtatagal at magpapaalam si Jeremy para bumalik sa U. S. Sa panahon ding ito matutuklasan ni Valerie na bakla si Eric. Ha-los gumuho ang mundo ni Eric, pero sa huli pipiliin ni-yang maging totoo sa sarili, at dahil dito, mas magiging maligaya siya. Ang lalabas na mga ar-tista ay sina Paolo Contis, Mark Herras, LJ Reyes at Mike Tan. * * * INIHALAL kamakailan ang bagong pamunuan ng Phi-lippine Movie Press Club (PMPC) na manunungkulan para sa taong 2009. Ang iba pang nahalal na opisyal ng club na manunungkulan sa posisyon sa PMPC ay sina Melba Lla-nera (Bise-Presidente), Jose 'Boy' Romero (Ingat-Yaman/Treasurer), at Aaron Domingo (Auditor). Bilang Kalihim (Secretary) ng club, muling nahalal si Mell Navarro, na magli-lingkod para sa naturang posisyon sa ikaapat na taon. Gayundin si William Reyes, na na-reelect bilang Press Relations Officer (PRO) para sa ikalawa niyang termino. Na-reappoint naman sina Mildred Bacud (Panga-lawang Kalihim/Asst. Secretary) at Jimi Escala (Pangalawang Ingat-Yaman/Asst. Treasurer), kasama ang iba pang bumubuo ng PMPC Board of Directors, tulad nina Joe Barrameda at Fernan de Guzman, mga dating Pangulo ng PMPC; Rommel Ga-lapon, dating Bise-Presidente; John Fontanilla, Ro-del Fernando, Sandy Es Mariano, at Robert Pangis. Source: Taliba |