|
|
| Sen. Bong, bagong endorser ng Belo![]() Author: People's Tonight HINDI man sang-ayon ang iba, napatunayan naming hot copy si Joey de Leon at quotable ang lahat ng lumabas sa bibig niya, gaya nina Kris Aquino, Richard Gomez, Annabelle Rama, Gretchen Barretto, atbp. Si Joey at ang mga litanya niya laban sa mga nagsasabing flop ang Eat Bulaga L. A. Grand Fiesta ang topic sa tatlong showbiz event na dinaluhan namin ng magkasunod na araw. Nu'ng Biyernes ng gabi, sa birthday party ng Dean of Entertainment Writers na si Ethel Ramos sa Florabel, Podium, ang pagpapa-interview ni Joey sa 24 Oras at pagre-resign bilang kolumnista ng Manila Bulletin ang paboritong topic for the night. Dahil present sa naturang pagtitipon ang Tape, Inc. SVP at COO na si Malou Choa-Fagar, siyempre'y inusisa rin siya tungkol dito. Pero, cool na cool at tipong hindi affected si Tita Malou sa isyu, dahil alam naman niya kung ano ang totoo. Secure rin siya sa kinalabasan ng matagumpay nilang pagtatanghal sa Tate at katunayan, aware siya na ilang produ pa ang nagbabalak na dalhin ang Bulaga sa iba't ibang parte ng Amerika this year and next. Aniya, naiintindihan niya si Joey, dahil ganu'n talaga ito 'pag sinisiraan ang mga mahal o mahalaga sa buhay niya. Dapat pa nga ba namang kuwestiyunan ang pagtatanggol ng TV host-comedian sa programang parte na ng buhay niya sa loob ng 29 years? Nu'ng sumunod na gabi, Sabado, si Joey pa rin at ang mabibigat na hamong binitawan niya sa Balita entertainment editor na si Dindo Balares at GMA-7 ang mainit na pinag-usapan sa Slendance presscon ni Valerie Concepcion sa 9501 resto sa ELJ Bldg. ng Dos at Pondo sa Sipag, Puhunan sa Tiyaga awarding ceremonies na pinangunahan ni Senate President Manny Villar sa bagong biling multi-million Laurel House sa Shaw Blvd. , Mandaluyong. Iba-iba ang opinyon ng mga taga-showbiz, particular na ang working press, sa naturang kontrobersiya. Siyempre, ang mga pumunta ng Amerika kasama ang EB entourage gaya namin, nagpatotoo na dinumog ang Grand Fiesta, samantalang ang ibang walang first-hand information ay nag-dialogue na sana'y isinulat na lang ni Joey sa MB ang mga hinaing niya imbes na nag-resign at nagpakawala ng mabigat na hamon. Pero ang maituturing na "biggest highlight" ng tsikahan portion sa Laurel House ay ang pag-uusap ni Joey at ng Philippine Star entertainment editor-cum-Ricky Lo Exclusives host na si Ricky Lo sa telepono courtesy of talent manager-showbiz columnist Lolit Solis. "Prelimiaries" na maituturing ang naging pag-uusap nila't kung walang magiging aberya, malamang na sa Star na mabasa ang bagong column ni Joey isa sa mga araw na ito. Siyempre, touched na touched ang EB host sa naging gesture ni Ricky. Libre raw ang pag-i-endorse na gagawin ni Sen. Bong at ito marahil ang ipangtatapat ni Dra. Vicki sa Facial Care model na si Sen. Ping Lacson at Institut Santre ni Sen. Chiz Escudero. Kung matutuloy ang plano, late this year ilu-launch ang endorsement ni Sen. Bong, na matagal-tagal na rin palang regular client ng Belo, lalo na pagdating sa facial treatment. Maging ang misis daw nitong si Lani Mercado at mga anak na sina Jolo at Bryan, matagal nang bumibista at nagpapa-treat sa Belo Clinic. Kung gayon, hindi kaya one of these days ay kunin na rin silang endorsers ni Dra. Vicki? Speaking of Belo Medical Group, kagabi ay binigyan nila ng bonggang birthday bash ang bago ring endorser na si Dingdong Dantes. Ginanap ang strictly invitational birthday bash at launch sa susyal-sosyalang NBC Tent sa The Fort, Taguig City. As expected, dinumog ang naturang okasyon, kung saan tinaguriang "Agent 007" ang dati'y misteryosong endorser ng Belo. Ian Farinas Source: People's Tonight |