Nov 23
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Sen. Bong, magpapaka-good boy na ngayong 2009

Author: Mercy Lejarde

TODAY is January 1, 2009, as in, Year of the Ox.

Here's wishing that the Year of the Ox ay "pumalo" ng maganda at masagana para sa ating lahat.

At dahil New Year nga, the following ay ang New Year's resolution ng ilan nating celebs na na-ambush interview ng yours truly.

Sen. Bong Revilla: Magpapaka-good boy na ako. Hindi na ako titingin sa ibang babae, hahaha! Sa asawa ko na lang.

Jake Cuenca: My New Year's resolution? Dapat siguro, kailangan mas mag-mature ako sa 2009. Dapat mapanindigan ko na 21 years old na ako. (Mapanindigan na rin kaya niya ang bali-balitang pagbabalikan nila ni Roxanne Guinoo?)

Kim Chiu: Gigising na ako nang maaga para hindi nali-late sa mga appointment. Dapat pareho tayo para hindi ka nahuhuli sa balita, hahaha!

Gerald Anderson: 'Yung mag-budget na ako. Matuto na akong mag-budget (Ganu'n? Ang pagkakaalam ng showbiz baklitas ay member itech ni Madam Curie, ha! Ni pisong text message wiz daw?)

Dennis Trillo: Gusto ko, mas maging healthy palagi, kasi, ah, itong mga nakaraang araw, medyo napapabayaan ko ang katawan ko, kasi lagi akong nagpupuyat. This New Year, sisikapin kong mag-exercise palagi, magsisipag ako. 'Yon.

Marian Rivera: Sana mas maging matatag pa ako dahil alam ko na mas maraming pagsubok ang darating sa akin at saka...wala, sana lang maging happy kahit na ano pang problema ang dumating. Ang importante, sa bandang huli, bago ako matulog, masaya pa rin.

Joseph Dionisio: Mas gagalingan ko pa po ang acting ko sa mga show ko.

Empress Shuck: Gusto ko mas maging, ano pa, mabait na anak pa. Gusto ko makaipon nang husto para ma-i-share ko sa parents ko, mga kapatid ko. At gusto ko ring matupad na makapag-share sa ibang tao.

Well, ang New Year's resolution naman ng yours truly. .. hindi na masyadong magpupuyat, maaga nang gigising para maka-catch up sa kolum deadlines at makarating nang maaga sa preskons, tsuk!

All the best for all of us this 2009.

Happy New Year po sa ating lahat!

* * *

PERSONAL: Thank you sa lahat ng nakaalala sa yours truly this holiday season ke in terms of material things o pisong text message, like ABS-CBN prexy Charo Santos, Bong Osorio, Sharon, producers at staff, Valerie Concepcion, Tita Bing Perez, Princess Revilla, Sen. Bong Revilla at Lani Mercado, Ronald Singson at Jomari Yllana, Cristalle Henares, GMA-7 Corporate PR, TV5 Corporate PR, Kane Choa, Boy Abunda at marami pang iba.

Gayundin kina Direk Carlo J. Caparas at Donna Villa, Ate Nene Mercado, Joey Aquino, Sarah Aldana, PJ Valerio, PDA2's Hansen Nichols, Bobot Mortiz, Ryan Agoncillo, Noel Ferrer, atbp.

Salamat at more power to all of you good people!

Source: People's Tonight