|
|
| Sen. Jinggoy, namomroblema kung sino ang ipapalit kay LornaAuthor: Nitz Miralles Hindi na namin pinalampas ang chance na tanungin si Ricky Davao sa tsismis sa kanila ni Sari Yap nang makita namin ito sa joint birthday celebration nina Jun Nardo at Allan Diones na ginawa last Saturday sa San Juan. Kasama niya that time ang dalawang magagandang anak nila ni Jackielou Blanco. "Hindi totoo, magkaibigan lang kami at may grupo kami at barkadahan na lumalabas. Nagsimula 'yan nang makita kami sa event ni Joel Cruz, nakita kami ng mga reporter. Alam ko ang mga lumalabas na blind item, pero deadma lang ako at 'di ko sinasagot," wika ni Ricky. Naniwala nga kaming ayaw palakihin ni Ricky ang isyu dahil hanggang umalis kami sa party hindi siya nakumbinseng magpa-interview sa TV. Kasama pala si Ricky sa cast ng Darna sa role ni Dr. Morgan at mamaya, paaalisin niya sa San Martin si Eduardo (Mark Anthony Fernandez). Nalaman ni Narda kay Watson (Bearwin Meily) ang pag-alis ng binata at kanyang hahabulin. Mauuwi 'yun sa kissing scene ng dalawa na ikagagalit ni Valentina (Iwa Moto). Bago matapos ang episode, lalabas na ang dalawang bunga ni Babaing Tuod (Francine Prieto) na sina Verona (Alyssa Alano) at Carnivore (Teri Onor). * * * Maraming bisita ang joint birthday celebration nina Jun Nardo at Allan Diones, may kantahan, inuman at tsikahan. Hanggang pag-uwi namin, nakita naming bumati sa kanila sina Christopher de Leon & Sandy Andolong, Tirso Cruz III & wife Lyn Cruz and kids Bodie & Djanin Cruz, Chris Cayzer, direk Chito Roño & Rico Gutierrez, Malou Choa-Fagar, Raquel Villavicencio, Manny Valera, Ricky Davao and kids, Pauleen Luna, Paolo Rivero, Annabelle Rama, Redgie Magno, Atty. Joji Alonso & son and Sen. Jinggoy Estrada. Tinanong namin si Sen. Jinggoy kung sino ang ipapalit niya kay Lorna Tolentino na balitang hindi niya nahiram sa Star Cinema para sa sequel ng Katas ng Saudi at itinuro si Pauleen na kasama niya sa mesa that time, saka tumawa. Hindi na namin nakausap ang senador, kaya hindi namin alam kung tuloy pa ang part two ng movie. * * * Monday sa Rosalinda, malalaman ni Valeria (Sheryl Cruz) na nakulong si Fernando Jose (Geoff Eigenmann) at inis naman si Fedra (Katrina Halili) sa pagbabalik ni Valeria. Nagdesisyon na si Rosalinda na sumama kay Alex (Jomari Yllana) para makalaya si Fer-nando Jose. Pupuntahan niya sa kulungan si Fernando Jose para ipa-alam na si Alex ang kanyang pinili. Paglaya ni Fernando Jose, ma-lalamang paalis na pa-tungong Amerika si Pa-loma. Madidiskubre naman ni Alfredo (Ariel Rivera) na walang kaso laban kay Fernando Jose. * * * Sa Ikaw Na Sana, nagulat ang lahat sa pag-alis ni Eliza (Jennylyn Mercado) at 'di makapaniwala si Michael (Mark Herras) na iiwanan siya ng asawa. Muntik niyang makita si Eliza nang kanya itong hanapin. Mare-reveal sa viewers na pakana lahat ni Sofia (Pauleen Luna) ang lahat para umalis si Eliza at masaya ito na tagum-pay ang kanyang plano. Samantala, lulubog ang barkong sinasakyan ni Eliza at malulunod ito. * * * Featured this Monday sa 5MAX Movies ng TV5 ang Oscar-nominated sequel ng Young Guns starring Emilio Estevez, Lou Diamond Phillips, at Christian Slater. Bukas, mapapanood naman ang Canadian mafia comedy na The Whole Nine Yards starring Matthew Perry and Bruce Willis. Napapanood ang 5MAX Movies, 9 p. m. , Monday to Sunday. Source: People's Tonight |