Nov 22
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Sex video nina Dra. Vicki at Hayden 'flop'

Author: Gerry Ocampo

Ultimo bata ay alam na ang nangyari kay Katrina Halili at Hayden Kho .

Kung ito ay isang pelikula, sasabihin mong blockbuster ito sa takilya. Pero ang nakakaaliw nga-yon na usapan ng mga tao kahit saan ka magpunta ay sex video daw nina Dra Viki Belo at Hayden Kho.

Kaaliw dahil kung blockbuster daw ang Katrina-Hayden sex video, flopsina (as in 'di kumita or nag-click) ang kina Dra Vicki at Hayden.

Kuwentuhan ng mga ito, sino daw ang interesadong panoorin pa ang sex video nina Vicki at Hayden.

Una ay lipas na raw ang kagandahan ni Dra. Vicki.

Pangalawa, sino naman daw ang maghahangad na makita pa ang lingkisan ng dalawa.

Anyway, sa tanong kung sino ang may mabigat na kasalanan -- ang gumawa ng sex video o ang nagpakalat?

Mas marami ang nagsabi na 'yung gumawa daw ng vi-deo dahil kung hindi niya ito ginawa ay wala namang ika-kalat na sex video.

Samantala, habang nagtuturuan ang kampo ni Hayden at sinasabing kaibigan daw nito ang may pasimuno ng pagkalat ng sex video nina Katrina at Hayden, dapat daw lumabas ang katotohanan at mabigyan ng kaukulang parusa ang sinumang may kasalanan para hindi na muling maulit ang eskandalong ito na pati inosenteng mga tao ang nadadamay.

* * *

Kamakailan ay inila-bas na ng Philippine Movie Press Club (PMPC) ang listahan ng mga nominado para sa iba't ibang kategorya sa Star Awards for Movies.

Nominado ang mag-inang Sharon Cuneta at KC Concepcion at father ni KC na si Gabby Concepcion.

Si Lipa Gov. Vilma Santos ang tatanggap ng Uli-rang Artista LifetimeAchievement Award at nominado rin bilang Darling of the Press ang mag-amang Luis at Edu Manzano at ang girlfriend ni Luis na si Angel Locsin.

Nominado si Sharon Cuneta sa Movie Actress of the Year sa pelikulang Care-giver at makakalaban niya sina Mylene Dizon (100), Jodi Sta. Maria (Sisa) at Anne Curtiz (Baler).

Kabilang din sa lead actress nominees sina Judy Ann Santos (Kulam), Irma Adlawan (Hubad) at Ms. Gloria Romero (Fuschia).

Nominado sa News Makers of the Year 2008 sina Gabby Concepcion sa pagbabalik showbiz nito, Dingdong Dantes at Marian Rivera, Charice Pempengco at Manny Pacquiao

* * *

Best gags of Bubble Gang ang masasaksihan sa Friday, tulad ng "Sunog", "One Night Stand" at "Baba sa Jeepney. "

Naririyan din ang Moymoy Palaboy segment ng phenomenal duo with the song Lets Get Started.

Ang best of commercial spoof like Lungcare Plus (Robin Padilla version), My San Graham, UFC Banana Ketchup at ang mga kuwelang segment tulad ng "Ang Spoiled" "Joke Family" "Childish Couple" "Mabait na Pulis" "Ang Bag" "Magdedemanda Ako," at iba pa.

* * *

Dumating na si John Lloyd Cruz galing New York at kaagad na salubong sa actor ay kung totoo hiwalay na ito kay Liz Uy?

Isang ngiti ang tugon ni Lloydie at nakiusap na huwag nang pag-usapan ang kanyang lovelife.

Ang maganda raw ay natapos na ang shooting nila sa New York nina Luis Manzano at Lipa Governor Vilma Santos para sa In My Life under Star Cinema.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin makapaniwala ni Lloydie nakasama niya ang Star For All Seasons sa pelikula.

"Grabe, hindi ko akalain na makakasama ko si Vilma Santos sa pelikula. Talaga, hanggang ngayon ay di pa rin ako makapaniwala. Kaya nga ingat na ingat ako na magkamali dahil nakakahiya kay Governor," say ni Lloydie.

Sa tanong tungkol sa kissing scene nila ni Luis Manzano at kung apektado pa sila ni Luis sa naglalabasang isyu tungkol dito?

"Ayokong magsalita sa kissing scene namin ni Luis. Baka mabigyan ng hindi magandang kahulugan. Promise maganda at hindi bastos ang halikan," nakangiting sabi pa ni John Lloyd.

Source: Taliba