|
|
| Sexbomb Girls patok sa CanadaAuthor: Tonee Coraza NAG-ENJOY nang husto ang Sexbomb Girls sa kani-lang concert tour sa Canada (Wolf Performance Hall, London; University of To-ronto Convocation Hall; Pampanga Restaurant and Banquet Hall, Winnipeg). Punumpuno ang venue ng lahat ng shows ng Sexbomb, patunay na sila pa rin ang pinakasikat among all-girls-sing-and-dance sa bansa at sa abroad. Umawit at umindayog ang Sexbomb Girls kasama ang kanilang mga idolo sa saliw ng mga napasikat na awitin ng alaga ni Joy Cancio. Nagmistulang bakas-yon-grande na rin ang concert tour ng Sexbomb. At kahit dikit-dikit ang schedule ng kanilang concert ay nagawa pa rin nilang mamasyal sa ilang lugar sa Canada tulad sa Niagara Falls , ang sikat na falls sa Canada at maging sa buong mundo. After daw ng Canada ay bound to Japan naman ang beauty ng Sexbomb Girls. Nakatakda rin nilang libutin ang iba't ibang bansa sa Asia, Amerika at Europe. Kaya naman super-advance taping sila ng Daisy Siete season 24, My Shuper Sweet Lover, para may ipapalabas sila habang nagso-show sila abroad. * * * PABORITO ng lahat ang manood ng scary movies tuwing Halloween, kaya naman 'di pahuhuli ang 5MAX Movies ng TV5 sa Halloween movie offerings nito dahil palabas this weekend ang thriller movie na Flatliners at ang Oscar-nominated animated film na Monster House. Enjoy this great service and have fun watching all the best horror movies na handog ng 5MAX Movies ngayong Halloween, 9 p. m. sa TV5. * * * MANINGNING, makulay at star-studded ang katatapos na 1st Star Awards For Music na ginanap sa Sky Dome ng SM North Edsa nu'ng Huwebes ng gabi. Big winners sina Jed Madella at Sarah Geronimo bilang Male and Female Pop Recording Artist of The Year habang ang pinakama-taas na kategorya bilang Best Male and Female Recording Artist of the Year ay nakopo nina Ogie Alcasid at Regine Velasquez. Wagi rin ang Mocha Girls for Best Dance Album of The Year, habang pinaghatian nina Bugoy at J More ang Best New Male Recording Artist of the Year at sinolo naman ni Maricris Garcia ang Best New Female Artist of the Year. Ilan sa mga inabangan at tinilian ang performance ay ang number nina Richard Poon, Jed Madella at Jay-R, pati na rin ang unity song na tinampukan ng top singers ng bansa sa pangunguna nina Bayang Barrios, Dingdong Avanzado, Geoff Taylor, Juliane San Jose, Eva Castillo, Chris Cayzer, Larni, Frencheska Farr at Faith Cuneta. Ang opening number with Allan K , Mocha Girls, Sexbomb Girls at Jan Nieto ay tribute sa Apo Hiking Society. Ilan sa celebrity na dumalo sa matagumpay na Star Awards For Music ay sina German Moreno, Claire dela Fuente, Retrospect, Yasmien Kurdi, Lovi Poe, Regine Velasquez, , Sarah Geronimo, Rachel Ann Go, Eva Castillo, Bugoy, Jan Nieto, Richard Poon, Jed Madella, JayR , Krissa Mae, Shane Ortiz, J Moore, Ramil Omosura, Jay Ann Bautista, Faith Cuneta, Ayen Munji, Joel Cruz at Councilor Inton at marami pa. * * * ISANG gabing punumpuno ng nagma-machuhan at naguguwapuhang lalaki ang naganap sa pormal na pagpapakilala ng kaibigang Wayee Lozada at George Rocca sa Cappuccino. Ang hunk guys na ito ang bagong iibigin ng mga kababaihan at bading. Binubuo ang Cappuccino nina Adrie dela Cruz, Adrian Petry, Ethan Zulueta, Julian Kish, Jolas Paguia, Ryan Dungo, Michael Domogma, Dustin Jose, Dennis Torres, Jacob Johnson, Gino Cabrillas at Rod Ortiz. Source: Taliba |