|
|
| Sexbomb Jopay type ang beach weddingAuthor: Noel Asiñas TYPE pala ni Sexbomb Jopay Paguio ang beach wedding. Ito raw ang kanyang dream wedding at matagal nang inasam-asam na maganap. Apat na taon na rin ang relasyon nila ng boyfriend na si Joshua Zamora, pero sa presscon ng Daisy Siete season 24 na "My Shuper Sweet Lover" ay sinabi ni-yang: "Hindi ako magpapakasal sa ngayon, kahit puwede na kami ni Joshua dahil annulled na ang kasal niya sa kanyang unang asawa. Sa akin, makapaghihintay ang kasal. Anyway, 26 years old lang ako. Marami pa akong gustong ga-win sa buhay bago ang pagpapamilya. " Magpartner sina Jopay at Joshua sa bagong season ng Daisy Siete at ka-love-triangle nila si Felix Roco, anak ni Bembol Roco. Si Jopay ang bida ng Season 24 at ipinahinga muna ni Joy Cancio, producer ng show, si Rochelle Pangilinan dahil marami raw itong natanguang shows sa ibang bansa. * * * HALOS mamilipit sa kata-tawa si Rufa Mae Quinto kapag ikinukuwento ang natuklasan kay Akihiro Sa-to. Nangyari raw ito sa photo shoot nila for "Moshi Mo-shi , I Love You" episode ng SRO Cinemaserye. May posisyon kasi sa picture na kandong siya ng binatang Japanese-Brazi-lian model kaya hindi tinantanan ng kantiyaw si Rufa Mae kung may na-feel ba siya sa "pusa" ng guwapong modelo. Pero, halakhak lang ang sagot ni Rufa Mae sa mga nangungulit sa kanya. Tatlong taon nang nagmu-model si Akihiro sa Thailand bago siya napadpad sa Pilipinas. Mas pinili niyang manatili rito sa atin dahil mas sweet at mababait daw ang mga Pinoy. Mara-ming endorsements sa 'Pinas si Akihiro ngayon kaya hindi siya nawawalan ng ra-ket bukod pa sa talent na si-ya ngayon ng Artist Center ng GMA7. First time din ni Akihiro na aarte bilang comedian sa isang soap. Mapapanood na ang SRO Cinemaserye Moshi, Mo-shi I Love You ngayong Huwebes pagkatapos ng GMA Telebabad, sa direksiyon ni Andoy Ranay. * * * Waging-wagi ang movie lovers sa 5MAX Movies ng TV5 ngayong October dahil libreng blockbuster movies ang palabas gabi-gabi tulad ng Young Guns 2, The Whole Nine Yards, at Meet Joe Black. Magkakaroon din ang TV5 ng special screening ng Astro Boy the Movie this month at Greenbelt 3. * * * LALONG kasabik-sabik ang mga pangyayari sa Ikaw Sana, lalo na't marami ang sumusubaybay sa love story nina Mark Herras at Jennylyn Mercado sa istorya. Matutunghayan sa soap ang ilan sa mga pangyayari tulad ng pag-comfort ni Sofia kay Michael para mu-ling maglapit ang kanilang loob. Anytime ay ipapakita ni Sofia kay Michael ang pictures ni Carlo na hinahalikan si Eliza. Makatatakas naman si Eliza kay Carlo na muntik nang ma-rape nito. Sobrang malulungkot si Michael dahil hindi pa rin nahahanap si Eliza at malalaman naman ng huli na wala pala siyang cancer. Source: Taliba |