|
|
| Sexbomb Rochelle award na lang ang kulang para maging legit na taga-showbizAuthor: Joey Sarmiento KUNG meron mang da-pat ipagmalaking programa ang TV5 bukod sa Wow Mali, Who Wants to be a Millionaiure at Talentadong Pinoy, 'yon ay ang Lokomoko High, ang gag show na pinagbibidahan at nagbangon sa career ni Long Mejia bilang isang ko-medyante. Swak na swak kasi ang programang ito sa bran-ding ng TV5. Sabi nga ng TV5 executive na si Jasper Evangelista, kaila-ngan nila ng light prog-rams kung saan magi-ging magaan ang feeling ng viewers after nilang manood. Ganu'n ang Lokomoko High. Para itong Bubble Gang. Wala kang ga-gawin kungdi tumawa nang tumawa magmula sa opening hanggang sa closing. Sa hirap ng buhay na dinaranas ng mga PInoy at sa laki ng mga problemang pinagdaraanan ng kahit sino ngayon, isang welcome respite ang programang Lokomoko High na mapapanood every Friday, 8 p. m. to 9 p. m sa TV5. According to the network's executive Perc-tings na nakukuha ng Lokomoko High so far. Pero nag-swear to the highest level ang kanilang executive producer na si Tonirose na gagawin nila ang lahat ng klaseng formula sa gag show para ma-satisfy nang husto ang kanilang viewers. Sobrang ganda ng mga chicks na kasama ni Long sa show and wish lang namin, wala sa plano ni Long na ligawan ang mga kasamahan niyang chicks para hindi siya mapagastos nang malaki at para magtuluy-tuloy ang kanyang career. Si Long pa naman, pag nai-in love, humahaba rin ang listahan ng mga gas-tusin...joke! * * * SA totoo lang, nanghihina-yang kami sa grupong Salba-kuta nina Madkillah, Chalie Mac and Vendetta. Kasi, after ng kanilang hit song na Stupid Love, nawala na sila sa ere. Na-walan na sila ng hit single. Na-frozen delight sila ng Viva Re-cords. Nanghihinayang kami dahil nu'ng naimbitahan namin sila para kumanta sa birthday party ni Faith Cuneta na ginanap sa basketball court sa Pasay, kilalang-kilala pa ri sila ng mga tao. Pati ang kanilang mga kanta, memorize ng mga kabataan. Hindi rin nagbabago ang kanilang punchlines and gimmicks. Kuhang-kuha pa rin ng audience kaya aliw na aliw ang mga kapitbahay ni Faith nu'ng gabi bago ang araw ng kanyang kaarawan. Kaya naman malaki ang ginawang pagpapa-salamat ni Faith at ng kanyang manager na si Jacob Fernandez sa pagdalo ng Salbakuta dahil pinaligaya nila ang kaara-wan ni Faith, pati na ang mga taga-Pasay. Pumunta rin si Pasay Vice Mayor Tony Calixto sa party ni Faith. Kung hindi magbabago ang kanyang plano, pagka-Mayor na ng Pasay ang kanyang target this co-ming election. Sayang at hindi nakapunta ang isang actor na nangakong dadalo sa birthday ni Faith. Ewan namin kung bakit siya natakot pumunta, eh, wa-la naman du'n ang me-gastar he,he,he! * * * DAHIL birthday na rin ang pinag-uusapan, naging successful ang birthday party ni Rochelle Pangilinan na gi-nanap sa Zirkoh Greenhills. As usual, present ang lahat ng mga lalaking na-link sa kanya, ang mga la-laking nakapartner niya at pati na rin ang mga lala-king minahal niya sa buhay. Bilib din kami kay Mo-ther Joy Cancio dahil ta-lagang hindi niya tinigilan si Rochelle hanggang sa maging star. Sa ngayon, tingin na-min ay acting award na lang ang kulang kay Ro-chelle para sabihing legit o arrive na talaga ang Sex Bomb na ito sa showbiz, hendehvah, lola Joy? * * * FOR reactions, please e mail mediatouch2000 @yahoo. com. Source: Taliba |