|
|
| Sexbomb Rochelle crush ni MannyAuthor: Noel Asiñas SUWERTE talaga si Rochelle Pangilinan. Palibhasa crush ni Manny Pacquiao, kaya napili siya sa role bilang ex-girlfriend ni Manny sa sitcom na Show Me The Manny. Ibig sabihin, bukod kay Marian Rivera, na sinasa-bing leading lady ni Manny sitcom, may isa pang Rochelle na pagtutuunan ng pansin ni Manny. Malaking star na talaga ang alaga ni Joy Cancio na miyembro ng Sexbomb dancers. Mismong ang manager ni Rochelle na si Joy ang nag-confirm sa amin na kasama si Rochelle sa sitcom ni Manny. Nakausap namin si Joy sa presscon ng bagong season ng Daisy Siete na "Cha-cha Muchacha" at masaya siya sa suwerteng dumara-ting sa kanyang no. 1 talent na si Rochelle. Hindi maitatangging si Rochelle ang pinakasikat sa kanilanggrupo sa ngayon. Hindi lang kasi siya marunong sumasayaw at kumanta, magaling na rin si-yang actress. Unti-unti na rin siyang inaangat ng kanyang network , ang GMA-7. Malay natin, baka ang susunod na programa ni Rochelle sa Kapuso ay lead role na sa isang primetime soap, ano? * * * SA "Cha-Cha Muchacha" ay Rochelle ang bida. Sa bagong drama series na panghapon, leading man niya ang napapabalitang nakaka-date ngayon ni Rochelle na si Arthur Solinap. Hindi naman ikinakaila ni Rochelle na nagdi-date sila ni Arthur. Matagal na kasi silang nagkakasama sa Daisy Siete, pero ngayon lang niya inia-admit na nakikiapag-date na siya sa binatang pinsang-buo ni Dingdong Dantes. Sa tingin namin, muk-hang papasa sa panlasa ni Rochelle si Arthur dahil mahilig ang actress mestiso at super-guwapo. Pero ayaw pang magsalita ni Rochelle kung ano ang status nilang dalawa ni Arthur. * * * MASARAP pumunta sa Wack-Wack Golf and Country Club ngayong Biyernes, July 17, dahil balita namin ay maraming celebrities na mahilig maglaro ng golf ang magpa-participate sa 2nd Mayor Benhur AbalosGolf Cup, isang annual event na inorganisa ng Golfers' Association of Mandaluyong, Inc. (GAMI) and in cooperation ng Wack Wack Golf and Country Club. Ayon sa coordinator nitong si Carlito Cernal, inaasahang darating ang broadcaster na si Arnold Clavio ng GMA-7 dahil member ito ng GAMI. Expected din ang pagdalo ng mag-asawang Tonton Gutierrez at Glydel Mercado at iba pang celebrities. Binanggit na ni Glydel sa mga interview sa kanya sa Rosalinda, na ang asawang si Tonton ay regular na sumasali sa golf tournaments. Naging libanagan na si Tonton ang sports na ito para na rin ma-maintain ng actor ang kanyang magandang physique. Ang Benhur Abalos Golf Cup ay idinaraos bilang birthday celebration ng butihing mayor ng Mandaluyong City. Mapupunta ang proceeds ng tournament sa charities. Last year, ang golf tournament ay nakakakalap ng P1. 8 million at inilaan sa health care assistance para sa mga mahihirap na kabataan at pamilya ng Mandaluyong City thru the Ciara Marie Abalos Foundation. Binubuo ang tournament presentors ng Bingo Bonanza and Unilever, samantalang ang major sponsors nito ay ang Globe Telecom, SM, Inc. , Greenfield Dev't. , St. Francis Square, Tracsom, Madrigal-Bayot Dev't, Expedition Services and 7107 Island n Cruise Mgt. Premier sponsors naman ng tournament ang Phil. Tourism Authority, First Imperial Cargo, Clear Blue Services Corp. , Shangri-LaHotel-EDSA, Unilab, Market Place Shopping Mall, DMCI Homes, Landbank Shaw, Robinsons Land, Shanghai Properties, Dowell Container&Packaging. Minor sponsors include Lancaster Hotel, Manila Water, Pacific Paint-Boysen Phils, Pacific Link Golf Devt. ,Cherry Foodarama, Gruppo Armani, Coun. Jon Abalos, Goldilock's Bakeshop, Camaya Coast, VS-&F Classic Food, Litton&Co. ,Norkis,Metropolis Cons, Ace Classic Prom,QC Eye Center, Tsukiden Solfware, Splash, VRP Medical Ctr,Printwell,Labelme Ent. , International Swimms, Belle Corp,Rebisco, Living Water, Beanperk Coffee and Ariel Javeloza Photog. Hole-in-One sponsors naman ang Toyota-Balintawak, Club Car, Ossim Massage Chair, Yamaha Golf Cart. Media partner ng golf tourney ang Energy FM at ang Manila Talent Arts & Entertainment Productions ang marketing arm. * * * MAS nakatutuwa ang Wow, Hayop this Wednesday night dahil lalabas ng kakaibang characters sina Jose Manalo at Pekto. Si Jose bilang si Al Kapos at si Pekto bilang Baby Tsinita, na hango sa gangster character nina Al Capone at Baby Tsina. Nakakatuwa ang pagiging gangsters ng dalawa dahil sa pagpapatawa lang ang hangad ng dalawang comedians habang naglalahad ng mga buhay-buhay ng hayop na pilit na ginagaya ay mga tao. Mapapanood pagkatapos Cruel Love ang Wow, Hayop. * * * IBINALITA sa amin ng isang staff ng Adik Sa 'Yo na super-alaga ni Jennica Garcia sa leading man nitong si Dennis Trillo nang biglang magkasakit sa set ang actor. Wala kasing ibang mapaglambingan si Dennis kundi si Jennica. Talaga raw super-sweet si Jennica kay Dennis, pero wala kayang magagalit sa kanya sa ipinakikitang sweetness nito sa partner? Source: Taliba |