|
|
| Sexy actress biglang naging conservativeAuthor: Noel Asiñas MUKHANG hindi pa nakaka-recover si Polo Ravales sa break-up nila ni Jean Garcia. Sa premiere night ng pelikulang Walang Kawala na idinirek ni Joel Lamangan, na-interview namin si Polo at nagsabing gusto niyang makipag-usap nang masinsinan kay Jean Garcia para ibalik muli ang kanilang naunsiyaming relasyon. Inamin sa press ni Polo na so far sa mga nakarelasyon niya, tanging si Jean lang ang kanyang gustong balikan. Naniniwala si Polo na hindi lang sila nag-kaunawaan nang husto ni Jean kaya humantong sila sa hiwalayan. * * * HANGGANG patakam lang sa mga lalaki ang ipakikita ni Cassandra Ponti sa kanyang bagong pictorial for Playboy Mag. Philippine Edition. Nakilala si Cassandra sa Pinoy Big Brother noon. Ngayo'y member na siya ng Kool Chx at lumalabas regularly sa Wowawee at ASAP. Binigyan siya ni Mother Lily ng break sa movie via Shake, Rattle and Roll 9 na ipinalabas last year. Ipinagmamalaki ni Cass na kahit nagpapasexy siya ay desente pa rin siya. Conservative pa rin siya sa totoong buhay at intact ang values. * * * MATAPAT si Chris Tiu sa Kapuso Network. Nasabi niya sa isang staff ng Pinoy Records na hinding-hindi niya iiwan ang Kapuso Network na nagbigay sa kanya ng big break bilang host. May lumabas kasing issue sa kanya na gusto raw siyang kunin ng ibang network, pero itinanggi niya ito. Si Chris ang host ng Ripley's Believe it Or Not na napapanood tuwing Lunes at Pinoy Records tuwing Sabdo sa GMA-7. * * * NABUKING sa Nuts Entertainment si Pekto na may crush kay Aicelle Santos ng Pinoy Pop Superstar. Kasamang naging panauhin ni Aicelle Jonalyn Viray at Maricris Garcia sa Balakubak portion ng Nuts. Naging panauhin din si Jenny Miller. Ang sexy star ang tampok sa Truth and Consequence segment ng Nuts. Kinunan ang interbyu sa Fitness First. Unti-unting nahuhubaran si Jenny at itoây sa harap ng mga machong lalaki na kasalukuyang naggi-gym din that time. Nagulat ang mga naggi-gym kay Jenny at pinagkaguluhan siya nang husto. * * * MARAMI pa ring episode ng Takeshiâs Castle ang mapapanood natin tuwing weekends dahil lalo pang pinagaganda ng network ang show. Bukod sa bagong set, may bagong studio sila, ang Studio B ng GMA-7 sa EDSA Maraming bagong local games ang i-introduced sa show. Kabilang naman sa mga panauhin na artistang maglalaro ay sina Diego Llorico, Jay Viado, Marco Alcaras at Paolo Paraiso. Source: Taliba |