Mar 21
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Sexy comedienne at beauty queen, may sex video kay Hayden?

Author: Vinia Vivar

"This is not tsismis, this is from someone who is in authority. Mayroon daw lalabas na videos ng mga prominenteng tao na hindi man mga artista, mga prominenteng tao raw," pag-a-anunsyo ni Kuya Boy.

Actually, may mga lumilitaw nang balita na tumutukoy kung sinu-sino ang mga ito, pero blind item nga lang.

May clue rin na ibinigay ang The Buzz at kabilang dito ang isang sexy comedienne at isang dating beauty queen.

Iisa ang hula ng mga taga-showbiz kung sino ang sexy comedienne dahil sariwa pa sa lahat ang pagkaka-link nito kay Dr. Hayden.

Pero dahil sa hindi pa naman lumalabas ang sex video (kung meron man), hindi pa rin siyempre natin alam kung may katotohanan ito.

Clueless kami kung sino ang beauty queen, pero may mga pangalan na ring lumilitaw at nakakaawa naman ang mga babaing ito na nadadawit na sa iskandalo gayung hindi pa naman napapatunayan kung may sex video nga sila.

Samantala, sa paglitaw ni Dr. Hayden ay nagkaroon ng panibagong mukha ang kontrobersiya dahil may binitiwang statement ang abogado niyang si Atty. Lorna Kapunan na alam daw ni Katrina Halili na kinukunan ang pagtatalik nila at nasa impluwensiya diumano ang dalawa ng droga na ang young actress pa mismo ang nagbigay.

Itinanggi naman ng lawyer ni Katrina ang sinabi ni Atty. Kapunan at sinabing may droga man o wala, maliwanag na may violation na nagawa si Dr. Hayden sa karapatan ng young actress.

Pero ayon nga kay Kris Aquino, walang outright na denial ang lawyer ni Katrina about the drug issue kaya it's up to us to read between the lines.

Naku, lalo lang gumulo ang usapin at tiyak naming mas lalo pa itong lalaki hanggang sa matapos ang imbestigasyon lalo na kung totoong may maglalabasan na iba pang sex videos si Dr. Hayden.

* * *

KUNG hindi pa nag-guest si Annabelle Rama sa The Buzz last Sunday ay hindi pa malalaman ng madla na nagkaroon pala sila ng gap ng anak na si Ruffa Gutierrez.

Ang mag-ina na mismo ang umamin na hindi sila nag-uusap may ilang linggo na at nagkabati lang sila nang maaksidente si Richard Gutierrez.

Ayon sa kuwento ni Annabelle, tinawagan siya ni Ruffa that morning at tinatanong kung saang hospital naroroon si Richard.

Nakalimutan daw niyang magkaaway silang dalawa. Sinabi naman daw niyang sa Asian Hospital na ito dumiretso dahil doon ililipat ang kapatid.

At 'yun na, bati na ang mag-ina. Say ni Ruffa, nakakalungkot man pero kung minsan, it has to take a tragedy para makipagbati sa magulang.

Hindi na ni-reveal pa ni Ruffa kung bakit sila nag-away but we're sure kung tinanong lang ni Kris si Annabelle ay magsasalita ito lalo na't may pasaring si Bisaya sa anak habang iniinterbyu sila.

May sinabi kasi si Tita A. na "Naku, Ruffa, alam mong lahat ng sinasabi ko sa iyo, totoo. "

Nang tanungin ni Kris si Ruffa kung mahal nito ang ina, ang sagot ng aktres-TV host, "all the time naman," na sinagot ni Bisaya ng "Ruffa, nasa publiko tayo ngayon, sana 'yang sinasabi mo, gawin mo. "

May kinalaman kaya sa pag-ibig ang tinatalak ni Annabelle kay Ruffa? Knowing them, 'yun ng madalas nilang pag-awayang mag-ina.

Source: People's Tonight