|
|
| Sexy stars PJ at CH, gagawa ng sex video!Author: Jojo Gabinete Inirereklamo ng mga supporter ng isang actor-politician ang kanyang asawa dahil malaki na ang ipinagbago nito mula nang mahalal sa mataas na puwesto ang mister niya. Nakikialam na raw si misis sa tungkulin ng actor-politician at may sarili na rin siyang mga tauhan na nagpapatupad ng mga gusto niyang gawin. *** Magkasabay na nanood ng X- rated movie ang mga sexy star na sina PJ at CH. Nagkasundo ang dalawa na gagawa sila ng sex video na ikagugulantang ng buong showbiz. Nag-suggest si PJ na isali nila sa kanilang “project” ang kanyang boyfriend na si BD. Hindi pumayag si CH sa suggestion ng PJ. Hindi raw siya magiging komportable dahil kaibigan niya si BD. Si CH ang source ng kuwento na posibleng i-deny nina BD at PJ. *** Napaluha si Paula Abdul nang kantahin ni David Archuleta ang Imagine ni John Lennon sa American Idol. Pinuri-puri naman si David ng Idol judges na sina Simon Cowell at Randy Jackson. Ayon kay Paula, destined for superstardom ang 17-year old Idol contestant. Si David ang hinuhulaan na mananalo sa Season 7 ng American Idol. Siya rin ang tinitilian ng fans. Walang kumpirmas-yon sa balita na may Filipino lineage si David pero nakalagay sa TV.com page na Hispa-nic Filipino siya. Makalipas ang ilang araw, pinalitan ang impormasyon sa TV.com page tungkol kay David, Hispanic American na siya at hindi na Hispanic Filipino. Sa Q&A ng American Idol website, sinabi ni David na half-Honduran siya dahil mula sa Honduras ang kanyang ina. Most embarrassing moment para kay David ang performance niya para sa isang charity event dinner sa Honduras dahil nawala ang kanyang boses habang nasa kalagitnaan siya ng pagkanta. Dali-daling umakyat sa stage ang ina ni David at ito ang nagpatuloy at tumapos sa kanta ng kanyang anak. *** ABS-CBN insider ang nagbulong sa amin na si Valerie Concepcion ang napipisil na maging bida sa Pinoy version ng Betty La Fea. Ibinulong sa amin ang impormasyon habang nasa presscon kami ng Slenda, ang diet pill na iniendorso ni Valerie. Inaasahan namin na may reaksyon ang fans ni Bea Alonzo na masipag sa pagpapadala ng e-mail sa mga entertainment writer dahil gusto nila na ang kanilang idolo ang maging bida sa Pinoy version ng Betty La Fea. Nagkaroon ng ingay ang Betty La Fea dahil ito ang TV project na gustong gawin ni Regine Velasquez kung natuloy ang paglipat niya sa Kapamilya network. Speaking of Regine, may balita na babalik na siya ngayong tanghali sa SOP. Malalaman natin kung may katotohanan ang balita kapag napanood natin siya sa variety show na iniwan niya, two Sundays ago. *** Magpalit ng contact number ang payo namin sa staff member ng isang TV show na nakakatanggap ng mga text message ng pagbabanta mula sa isang controversial male personality. Walang kasalanan ang staff member sa pagkakakansela sa scheduled interview sa controversial male personality pero ipinipilit nito na ituloy ang interbyu sa kanya. Nag-apologize ang staff member para sa anumang inconvenience na naibigay niya sa controversial male personality, pero ayaw nitong tanggapin ang kanyang paumanhin. Nagbanta ang controversial male persona-lity na sasampahan niya ng kaso ang TV network na pinaglilingkuran ng staff member dahil nakansela ang interview sa kanya. *** Naghahanap ang STAGES ng mga aktor para sa West Side Story, ang musical play na pagbibidahan ni Christian Bautista at ipalalabas sa Meralco Theater mula September 2008 hanggang October 2008. Gaganapin ang auditions sa March 29 & 30 para sa mga aktor (17-30 years old) na gaganap sa karakter nina Maria, Bernardo, Riff, Anita at marami pang iba. Naghahanap din sila ng mga dancer. Sa mga interesado na maging bahagi ng West Side Story, magsadya kayo sa Stand Studio, Brahma Bldg., 172 Mabini St., Addition Hills, San Juan, Manila sa March 29 at 30, 10:00 a.m. to 5:00 p.m. Magdala ng 3R colored photo, resume and minus one CD. For further queries, please call Judith at STAGES, (632) 818-1111 loc. 225. *** Ayon sa mga takilyera ng iba't ibang sinehan na tinanong namin, ang My Big Love ng Star Cinema na bida sina Kristine Hermosa, Toni Gonzaga at Sam Milby, ang pinakamalakas sa mga pelikula na nagbukas sa mga sinehan noong Miyerkules. Tinalo ng My Big Love ang mga foreign film na kasabay nito kaya natutuwa ang mga ticket-seller dahil isang Filipino movie ang namamayagpag sa box-office. ***Comments are welcome at jojogabinete@yahoo.com Source: Abante |