Nov 22
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Shaina Magdayao and Melissa Ricks share what they learned from helping flood victims

Shaina Magdayao and Melissa Ricks share what they learned from helping flood victims

Author: Bernie Franco

Kabilang sina Shaina Magdayao at Melissa Ricks sa mga Kapamilya stars na naging aktibo sa pagtulong sa mga nasalanta ng bagyong Ondoy. Sa The Buzz noong October 4, ibinahagi ng dalawang bida ng Kambal sa Uma ang kanilang mga natutunan sa kanilang pagtulong.

"Ako kasi I wanted to help from the start kaya lang meron [akong] mga prior commitments so I was very happy na nasali ako sa outreach sa Malabon," kuwento ni Melissa na kasama sina Vhong Navarro, Nova Villa, Matt Evans, at Ejay Falcon sa nasabing outreach.

Sabi pa ni Mel, walang maliit na pagtutulong lalo na sa mga panahong ito. Dagdag niya, "Siyempre 'yung mga tao makakakita sila ng artista, nabibigyan sila ng inspiration pero hindi lang 'yun 'yon. 'Yung makapagbigay tayo ng tulong kahit konting pagkain, konting damit, sobrang saya na po nila na makikita n'yo sa mukha nila."

Kuwento naman ni Shaina, nasaksihan niya na iba talaga ang pagtutulungan ng mga Pilipino sa panahon ng krisis. "Iba ang bayanihan at pagtutulungan ng mga Pilipino talaga," sambit niya. "Makikita mo 'yung [desire] nila like sa aming mga artista na hindi kami pinuwersa na pumunta sa Sagip Kapamilya pero 'yung desire talaga namin na makatulong at kahit paano makapagbigay ng konting ligaya sa mga Pilipino na nasalanta ng bagyo. Iba ang effect sa kanila."

Samantala, huling linggo na ng Kambal sa Uma sa Hapontastic ng ABS-CBN at sobra ang pasasalamat ng dalawang aktres sa patuloy na pagsubaybay sa nasabing palabas. "Dapat three months lang pero dahil sa suporta, dahil minahal ang Kambal sa Uma, na-extend nang na-extend so maraming salamat," ani Shaina na umabot ng anim na buwan ang takbo ng serye.

Ang susunod na project ni Melissa ay ang Agimat: Mga Alamat ni Ramon Revilla bilang leading lady ni Jolo Revilla at kay Shaina naman ay ang Pinoy adaptation ng Mexicanovelang Rubi na pangungunahan ni Angelica Panganiban, Diether Ocampo, at Jake Cuenca.

Source: ABS-CBN Interactive