|
|
| Shaina Magdayao at Maja Salvador...Kapalit ni Lovi sa puso si JoloAuthor: Tonee Coraza NAKAISA na naman ang ABS-CBN over GMA7 nang makuha nila ang rights para sa TV adaptation ng apat na Agimat movies ni Ramon Revilla -- ang Pepeng Agimat, Tiyagong Akyat, Elias Paniki at Tonyong Bayawak. Balik-Kapamilya na rin si Jolo Revilla dahil si-ya ang bida sa Pepeng Agimat teleserye. Kung matatandaan, unang lumabas si Jolo sa Seasons of Love at si Shaina Magdayao pa ang kanyang ka-loveteam. Ito ay 'yung bago pa pumutok ang pagiging batang ama niya. Paliwanag naman ni Andeng (sis ni Sen. Bong), two years ago pa raw sila nag-usap ni Deo Endrinal tungkol sa pro-ject na ito at ngayon lang nagkaroon ng katuparan. At hanggang ngayon, they maintain a nice relationship with GMA kasi they are co-producing Panday with GMA Films naman for MMFF. Isa pa, ipinaalam nila sa Kapuso ang project na ito with Kapamilya at ipi-nagpaalam din nila si Jolo kaya walang gusot sa pa-gitan nila ng GMA-7. Si Lovi Poe pa rin ang gustong makapareha ni Jolo sa Pepeng Agimat, pero puwede rin daw 'yung dati niyang ka-loveteam na si Shaina o si Maja Salvador. At ngayon pa lang ay usap-usapan nang baka si Shaina o si Maja ang maging kapalit ni Lovi sa puso ni Jolo dahil nga ha-yagan ang pagtutol ng mother ni Lovi sa paki-kipagrelasyon nito kay Jolo. By the way, Jake Cuenca, Gerald Anderson and Coco Martin will be portraying the roles of Elias Paniki, Tiyagong Akyat and Tonyong Bayawak respectively. Gagawin nila ito pag-katapos ng Tayong Da-lawa na hanggang August pa mapapanood. Nakakatawa dahil iisa lang ang gusto nilang hi-ngin na agimat kay Ramon Revilla kapag binisita na nila ang dating senador sa bahay nito sa Ca-vite (for role briefing). Gusto raw nilang hi-ngin ang agimat nito sa chicks. Open book kasi sa showbiz kung gaano ka-raming babae ang napaibig ni Revilla Sr. * * * SI Coco Martin na rin ang nagpahayag na hindi big deal para sa kanya ang nagsusulputang pirated DVDs ng pelikula niyang Serbis kung saan ipinapakita ang kanyang ari. For international release daw 'yong version ng Serbis na mayroon siyang frontal nudity. Although ini-expect na rin niya na makakara-ting dito sa 'Pinas ang international version na ito na pinagpipistahan din ngayon sa Internet. Kung may maganda at makabuluhang project na iu-offer sa kanya na kai-langan niyang mag-frontal nude ulit ay tatanggapin pa rin daw niya. Isa raw kasi siyang aktor at ang katawan ay part din ng isang aktor kaya hindi siya nahihi-yang maghubad kung kinakailangan sa istorya. * * * MATATAWAG na ring indie prince si Lance Raymundo sa rami ng indie films na ginagawa ni-ya. Katatapos lang ng special screening ng kanyang The Forgotten War sa CCP last week na Korean-produced movie. Ngayon ay excited naman siya sa Nurseri na isang official entry sa Ci-nemalaya next month. Istorya ito ng isang dysfunctional family na kinabibilangan niya with Jaclyn Jose. Palabas na rin ng isa pa niyang indie film sa Cinemalaya, ang Fidel na siya mismo ang nasa title role na istorya ito ng isang OFW na napagbintangan na pumatay sa kanyang amo. Take note, dalawang indie films din ang kasalukuyan niyang tinatapos ngayon, ang Sa 'Yo Pa Rin with Toni Gonzaga and Joel Bascon, directed by Paul Soriano at ang Fling with Rafael Rossel and Jacque Yu na kinunan sa Boracay at Ba-guio. May sarili rin siyang pabangong Lance sa Fragrance of The Stars. Siya rin ang latest endorser ng Calcium C after Jake, Valerie Concepcion and Jennylyn Mercado. Go, Lance! Source: Taliba |