Nov 24
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Shaina at Kim, agawan kay JC de Vera!

Shaina at Kim, agawan kay JC de Vera!

Author: Jun Nardo
Column: I Know Better!

MUKHANG mag-aagawan sina Shaina Magdayao at Kim Chiu kay JC de Vera, ha! Sabi, nakatakda raw na ipareha si JC kina Kim at Shaina, bukod kay Judy Ann Santos, na unang plinano, kung sakaling hindi na mag-renew ang aktor sa GMA network at tuluyan na itong sumakabilang-bakod sa ABS-CBN after.

Ngayong March nga mag-e-expire ang kontrata ni JC sa Kapuso station.

Eh, handa naman daw ang manager niyang si Annabelle Rama na matengga si JC sa GMA ng ilang buwan kung sakaling hindi pa rin sila magkasundo ng network o hindi agad ma-release ang talent.

“Marami namang raket na shows diyan. Ganoon muna ang drama niya habang wala pang kasiguraduhan ang lahat sa contract niya,” say ni Tita Annabelle.

Hanggang ngayon ay hindi pa nagbibigay ng pahayag si JC sa isyung ito.

Pawang tsismis na malungkot at ang pag-inom ang panlunas niya sa kontrober­syang sinapit niya, huh!

At least, sa ingay na nangyayari ngayon sa showbiz na kinasasangkutan ni Tita Annabelle, ang saya-saya sa showbiz at nakikinabang din dito ang GMA network, huh!
***

Wala pang katiyakan kung babalik si Ara Mina sa iniwang show niya sa GMA na Bubble Gang.

“Baka i-guest lang namin muna siya,” ani Marivin Arayata, Vice President for Entertainment ng GMA.

Ang ibinalita sa amin ni Ma'am Marivin na magkakaroon ng show sa Bilib Ka Ba Nights block ng network ay sina Jose Manalo at Wally Bayola.

Silang dalawa ang hosts ng Wow! Hayup! Program tuwing Lunes nang gabi at mapapanood ngayong March.
***

After ng Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang nina Marian Rivera at Dingdong Dantes at Totoy Bato nina Robin Padilla at Regine Velasquez mula sa panulat ni Carlo J. Caparas, may bago na namang pasabog ang GMA ngayong buwang ito!

Ito ay ang local version ng All About Eve kung saan maglalamunan sa acting sina Jean Garcia, Eula Valdez, Iza Calzado at Sunshine Dizon.

Idagdag pa siyempre ang pakitaan ng alindog, kaseksihan at sensuwalidad sa mga kaulayaw nilang mga aktor na sina Richard Gomez, Alfred Vargas at Mark Anthony Fernandez.

Maiigting nga ang eksena sa TV plug ng drama series, lalo na ang tarayan at sampalan nina Sunshine at Iza! Punumpuno naman ng emosyon ang mga eksena nina Jean at Eula.

Source: Abante