|
|
| Shaina, nagliliyab ang kaseksihan!![]() Author: Dondon Sermino MATAPOS lumabas sa Your Song Presents A Million Miles Away at Lobo, ang dating “sweet little girl” ay paliliyabin ang inyong telebisyon sa kanyang pagganap bilang isang superhero sa Komiks Presents Mars Ravelo's Dragonna sa ABS-CBN. Lumaki sa harap ng publiko si Shaina. Mula sa kanyang sweet roles hanggang sa mature portrayals, nasubaybayan ng tao ang kanyang pag-evolve. Sa kanyang bagong series na pagbibidahan, mga bagong hamon at pagsubok ang kanyang pagdadaanan at mararanasan. Katambal si Jake Cuenca, bibigyang buhay ni Shaina ang karakter ni Olive, isang matapang na babae na medyo boyish dahil lumaki sa piling ng tatlong bumbero na nakapulot lang sa kanya. Magkakaroon ng pagbabago sa kanyang pagkatao sa bawat pag-usad ng kwento at lalo na kapag naranasan na niyang ma-in love. Ang paghahanda ni Shaina ay hindi lang para sa kanyang pagiging superhero, pati ang kanyang pagsabak rin sa pagpapatawa ay kanyang pinaghahandaan dahil malaking aspeto ng Dragonna ang comedy. “Pinaka-worry ko is 'yung comedy. Sabi ko nga paiyakin niyo na lang ako kasi para sa akin mas madaling umiyak. Pero nung sinabi sa akin na makakasama ko sina Kuya Bayani (Agbayani) at Kuya Long (Mejia) natuwa na ako. “Magiging magaan silang kaeksena kasi beterano na sila sa comedy. At hindi ko lang naman project ang Dragonna, project naming lahat ito. Teamwork kami dito. “Definitely gagawin namin 'yung best namin para mapasaya ang mga tao especially 'yung mga bata.” Sa ilalim ng direksyon ni Dondon Santos, makakasama rin ni Shaina ang ilan sa mga talented at magagaling na artista tulad nina Alessandra de Rossi, Arnold Reyes, at Eda Nolan. Siyanga pala, dapat abangan ang bagong itsura ni Shaina sa Dragonna. Sa picture, pa lang, kitang-kita na ang kanyang malulusog na dibdib, at seksi talaga siya. Sabi nga, magliliyab talaga ang mga lalaki sa ganda ni Shaina ngayon! Source: Abante |